math 17…
tungkol lang ito sa subject na nagpapahirap sa kin ngayon pero nautututunan ko na man kahit papaano. maicoconsider ko siyang first love na din at hindi ko alam kung sasagutin niya ba ko sa ganitong pagkakataon o hindi. sana sa panliligaw ko ngayon, hindi ako mabigo. sa tatlong try ko, sana may pag-asa pa sa kanya.
isang assessment para sa kanya, para sa maulang niya, at para sa akin..
wala akong mapaglagyan kaya di ko na lang muna nilagay iyon:
“Happiness is the apex of human existence.”
Iyan ang katagang pumasok sa isip nang simulang isulat ang mga salitang ito. Siguro, sa ilang paraan, masasabing tama ang mga salitang nasambit ngunit sa bawat pangyayaring naganap, napagtanto ko kapagdaka na hindi sa lahat ng oras ay kasiyahan ang mahalaga sa buhay ng isang tao, sa buhay ng bawat nilalang sa mundo.
Oo, kahit sa isang simpleng kamot lang sa isang maliit na parte ng katawan dahil sa munting kagat ng isang lamok sa gabi, masasabing ito na ang nakatalagang gawin ng isang nilalang sa oras na siya’y lumitaw sa mundo at mabuhay: ang gawin ang mga bagay na makakapagpasaya sa kanya, makakapagpakuntento at makakapagpakalma sa kanyang mga nararamdaman. Kahit sino pa ang tanungin mo, kahit ang sarili, di ba masarap ang dulot ng pagkamot sa pantal? Kahit ang malalaking bagay tulad ng ating mga pangarap, di ba’t kasiyahan din ang dulot nito?
Pero, hindi naman tungkol sa pantal lang ang bagay na gusto kong iparating. Hindi maituturing na isang pantal ngunit maaring sa sugat maihambing. Isang sugat na kapag lumalim ay mananatili ng nakalamat, mananatili na ang markang iyon hanggang sa matapos mo na ang misyon sa mundo.
Mahirap siya. Mahirap siya. Siguro, kung hindi lang ako nanggaling sa isang mas mahinang hayskul ay hindi ko masasabi ang dalawang pangungusap na nauna. Siguro, kung bata pa lamang ako ay naunawaan ko na ang kahulugan ng pag-aaral katumbas ng pera at pagkatapos pahalagahan iyon, hindi ko na masasabi pa ang dalawang pangungusap na iyon. May pagkakataong dumadali at sa tuwing dumarating ang ihip ng hangin ng panahong iyon, parang napapalitan naman ng bagyong hindi ko maintindihan kung malalampasan pa ng sarili kong kakayahan.
Naniniwala akong wala namang taong mas matalino, pantay-pantay lang ang lahat, it’s just the matter of time kung kailan sila nagsimulang matutunan iyon, sanayin iyon at matanim sa kanilang mga isipan. Walang makakahindi sa pagsasabi ko ngayon na napag-aaralan naman ang lahat ng bagay, at dumedepende sila sa determinasyon at pagpupursigi mong matutunan sila. Kaya kahit gaano pang kahirap siya para sa akin, siguro, sa akin nakadepende kung paano ko mapapahirap o mapapadali ang pagkatuto niyon gamit ang sariling pang-unawa.
Maipagyayabang ko pang sabihin na ang lahat ng mas matalino, mga magagaling na ngayon at kung sinu-sino pang ibang klase daw ang kakayahan ay nagsimula din naman sa wala. They all start from scratch in such a way na parang ako lang, noong nagsisimula pa lang din ako sa kahit anong particular na bagay.
Isang kakilala ang nagsabi sakin na ang lahat ng bagay ay ipinagkaloob na ng diyos, nandito na, sa mundo na ating ginagalawan pero isa lang ang hindi niya ibinigay sa atin, ang karunungan ng lahat ng bagay. Kaya ngayon, nabuhay tayong walang alam sa mundong ginagalawan, at nabubuhay tayo upang alamin ang bawat bagay na dapat nating malaman. What’s the point of saying this? It’s just that para sakin, hindi ako naniniwala na may mga matalino at may hindi pinalad. Walang taong bobo, tamad lang.
Tungkol naman sa tatlong malabagyong humagupit na pagsusulit, tatlong bagay ang inihatid sa kin ng mga iyon. Tatlong bagay na nagpalinaw ng mga kasagutan ngunit nagpalabo din ng ibang katanungan.
Ang una ay nagpamukha sa akin na minsan, base lang sa pagkakataon nangyayari ang mga bagay-bagay. Life will always be a game of chance. Kung minsan, kung sino pa ang nagpupuyat, nagrereview at nagpapakahirap mag-aral ay sila pa ang mas mababa kaysa sa mga happy go lucky attitude ng ilan. Malas lagi. Minsan lang dumating ang swerte. Hindi nga natin alam kung totoo ang mga bagay na iyon.
Pangalawa, life is defined by its opportunities, even the ones we missed. Marami akong oras na nasayang. At dahil sa mga saying na iyon ay nagbunga naman ng maraming sana. Sana nag-aral ako noong mga oras na iyon, sana naisip ko iyon nonng oras ng pagsusulit. Sana…sana…sana…mga sanang hindi na maibabalik. Mga panghihinayang na hindi na mababawi.
At ang huli, may nagsabi daw na: the level of your preparation determines the level of your success. Hindi ko mapaniwalaan, hindi ko na maintindihan. Siguro, kulang pa talaga, pero ano ang dapat kong gawin? Hindi ko na alam.
Dahil ba iyon sa iyo? Hindi ko masisi sa iyo kahit ba sabihin ng lahat ng taong ikaw ang may kasalanan. Dahil bawat isa, ako, ikaw, all of us play part to this certain task. Ang matutunan naming ang bawat aralin dahil kailangan namin ito sa pansariling karunungan para sa daang aming tinahak. Siguro, may mga pagkakataong hindi maintindihan ang mga aralin, pero hindi ko maisip kung ano ba dapat ang tamang tanong, ang dapat itanong, ang kailang itanong. Dahil naiintindihan naman lahat. Ang nakikita ko lang, kulang lang talaga sa pagsasanay. Kulang na kulang doon. Tama lang ang ginagawa mo sa amin, iyon lamang.
Kung dahil naman sa kin? Oo, siguro nga. Ako nga ang dahilan. Kami ang dahilan. Ngayon, nakikita ko ang sarili ko na tinutupad kung anong piniling landas, ang maintindihan ang lahat ng bagay sa mababaw at malalim na paraan. Matapos kong maranasan ang unang mga araw sa bahay ni Oble, i eventually learned kung ano na ba talaga ang tutuparing mga bagay. My will, my desire to know more. Gusto kong matutunan. Maging magaling din. Maunawaan ang lahat.
Noong simula, nainggit ako sa mga kasabayan kong nanggaling sa mga kilala at magaling na eskwelahan pero kalaunan, hindi ko na iyon pinansin dahil naisip ko na hindi naman sa pinanggalingan nasusukat ang galing, kundi sa tao mismo, sa akin mismo, sa sarili ko. Naramdaman ko na nakasabay naman ako sa kanila at sa ngayon, may pagkakapantay-pantay din naman kami. Pero gaya nga ng iba’t –ibang konklusiyon sa mundo, salahat ng nasabi at masasabi ko sa susunod, sa kahit ano mang mangyayari,
life will always be unfair. Nag-aaral ako, sila minsan lang. Nag-aaral ako, sila keri lang. Weak pa din na maituturing mahit anong gawin. Kaya kailangan pa ngayong maglaan ng oras para maintindihan si Math 17. Siguro, kulang pa ang sakripisyo, ang mga bagay na dapat ginagawa ko kaya ngayon, sa natitirang panahon, isnag tanong lang ang gusto kong malaman, siguro, salalong madaling panahon:
May panahon pa ba? Kaya ko pa ba?
Pasuko na. Pasuko na.
Pero gaya ng palagi kong sinasabi sa sarili ko, tuloy lang.
Tuloy lang hangga’t kaya pa.
…
..
.
Loading...
wooaaah!ang lupit!
sarimau’s view: lupit ka jan..
ven - Setyembre 7, 2009 at 8:09 umaga
ang lalim..
sarimau’s view: indi, just playing the words..
sosa - Setyembre 7, 2009 at 9:18 umaga
whoo! sasagutin ka na ni …. este ni math 17! hahahaha.
^_^
peace man
sarimau’s view: never pa akong nanligaw..^_^, in thi s case, si math 17 ang maituturing na una..^_^
laramore - Setyembre 7, 2009 at 10:56 umaga
Hanep!!! ang daming pwedeng kuning words of wisdom.
sarimau’s view: alam mo na naman lahat ng mababasa mo dito eh..hindi lang narerealize ng bawat tao..
peballs - Setyembre 7, 2009 at 12:04 hapon
grabe na talaga mag emo tong batang to. ^^
kaya mu yan. ^^ kayong lahat. ^^
…..”mag aral mabuti”…..
sarimau’s view: pinagawa lang to..^_^
triksmabel - Setyembre 8, 2009 at 2:50 umaga