LRT: Lakbayin ang Ruta ng Tadhana :)
Jug..jug..jug..jug..jug..jug……

nang naggoogle ako ng larawan..^^
Bigla akong napatanga sa bintana at nasilayan ang asul na kalangitan. Ilang sandali pa ay umihip ang hangin, tila isang bagyo na naman ang paparating. Kasabay ng indayog ng mga dahon ng isang puno, ang mga ulap ay nagpapatangay din na para bang nagsasabing tuloy lang ang pagdaan ng panahon. Tuloy lamang. Ano man ang mangyari.
Ngayon, tila ibang “panahon” na naman ang nararanasan ko dahil bukod sa ibang lugar, ibang tao at kahit ano pa mang pwedeng maiba, masasabi ko ring pati ang sarili ko ay kasama na sa maituturing na nagbago. Complete metamorphosis siguro kung tutuusin.
At hindi lang iyon, isa ring ibang mundo…
Matapos magkamali ng landas sa buhay hayskul, pinasok ko naman na punung-puno ng kaba ang panibagong mundo na mahihinuhang “isang impyerno at kalangitan”. At bago ko pa man nakasanayan ang “extraordinary world” na iyon, maraming nangyari na pati ang kamalayan ko sa lugar na kinalakhan ay nagbago, nagbago patungo sa kamulatan. Here it goes…the trip papunta sa lugar na impyerno na maituturing, ngunit sa kalangitan din maihahambing..kolehyo, siyempre..
Actually, it’s a final destination scenario kung iimagine-nin..
Nang dahil sa kamulatan, natuto na kong pumunta sa mga malalayong lugar gamit ang mga baryang kumakalansing sa bulsa ko. Isang regalo para kay manong driver na siya namang maghahatid sa iyo sa iyong destinasyon. The moment na magsalita ka ng, “para po” o “diyan lang po sa tabi”, it is very accommodating, titigil ang jeep para sa’yo. (Kaso, malas mo nga lang kung nagpapractice siya ng first law of Newton- inertia..
)
Matapos maramdaman ang Inertia in a “smoky manner”, bababa naman ako sa Santolan at sasakay naman sa superconductor na sasakyan. Oops, ‘wag kakalimutan ang magnetic ticket (na tinatawag ding stored value card, LRT card etc.) dahil baka masita ka ng gwardiyang may batuta pang dala-dala. Pagkatapos magsteps sa sirang escalator na siguro’y pwede ng tawaging escalator, pagpasok sa tren, nagdaramihan bigla ang mga tao pag piton g gwardiya sibil. May mga nakatayo at nakaupo din. Fully air conditioned kaya naman presko ang dating, pwera na lamang kung sobrang dami ng tao sa sasakyan na iyon.
“Next station: Katipunan…Ang susunod na istasyon ay Katipunan…”
May kalbong nakatayo. May magsyotang naglalambingan. Mayroon ding mga magkumpare na tila mag-iinuman kapagdaka. May mga batang enjoy sa view sa dami ng nakikita sa bintana. Mayroon ding mga estudyanteng nagchichikahan at nag-uusap sa mga subjects nila sa unibersidad na pinapasukan. May mga nakikinig ng music, na kahit naka-earphone ay para bang rinig mo pa din sa lakas nito. May payat na gwardiyang nagbabantay. May matanda, bungi, pilay, masamang makatingin, nakashades at umiinom ng tubig. Mayroon ding nagtetext, sumagot ng phone call, nagrereview sa exams, nakatunganga sa kawalan. Hindi pa ito ang lahat dahil isang parte lang ng tren ang aking nasilayan. Ay, ako pala kasama din, ang lalaking nakasakay na hindi malaman ang pupuntahang mundo at napaisip habang nakaupo sa tren, nakaupo sa upuang nakalaan pala sa mga disabled na people of the Philippines.
“Next station: Anonas…Ang susunod na istasyon ay Anonas…”
Medyo napuno na ng kaunti ang sasakyan at mas maraming tao ang aking nakilala, hindi sa pangalan, kundi sa mukha. Maya-maya pa ay narinig ko naman ang mga katagang ito:
“Kumapit lang po sa mga safety handrails at iwasang sandalan ang magkabilang pinto. Maraming salamat po.”
Pero siyempre, ang kultura natin ay kung saan bawal at masama, mas pursigido pa tayong dumikit at kumapit sa mga bagay na iyon.( kaya may nakadantay pa din sa di dapat dantayan at walang humahawak sa dapat hawakan.)
Ilang sandali, bigla na lamang tumigil at bumukas ang pinto, pagsilip sa nabuksan, bangin…bangin na may lulang mararamdaman. (A technical problem has occurred..)
“Next station: Araneta Center-Cubao…Ang susunod na istasyon ay Araneta Center- Cubao..”
May bumaba naman sa puntong iyon at napalitan ng mga panibagong pasahero.
Bigla ko lang pinagtaka, “saan kaya sila magsisipunta?”
Malay ba natin. Kagaya ko rin, hindi rin naman nila alam ang landas na pupuntahan ko.
“Next station: Betty-Go Belmonte..Ang susunod na istasyon ay Betty-Go Belmonte..”
Naging agaw-pansin naman ang view na kanina pa tinitingnan ng mga batang nabanggit ko kanina. Mga bahay na barung-barong, mga building na nagtataasan, mga sasakyang nagpapaunhan, at ang maitim na kalangitan. May makikitang naglalakad sa lansangan, may tumatawag ng mga sasakay, may namamalimos, may nandurukot, may uhuging mga batang naglalaro, may papasok sa opisina na sa fx ay prenteng-prente ng upo. At kung anu-ano pa na sa hindi malamang dahilan, hindi natin maintindihan.
Mapag-aakalang kung sa mga titig lang ng mga batang nag-eenjoy sa view, maganda ang kanilang tinitingnan, ngunit hindi. Marami lang palang makikita, hindi lang nila napapansin ang mga bagay sa likod nito, ang mga kahulugan.
Nawala sa ulirat kakaisip sa lugar na iyon, napabuntong hininga at naipikit ko na lamang ang aking mga mata.
…
“Next Station: Legarda..Ang susunod na istasyon ay Legarda..”
Pagkabalik sa tunay na mundo, napakusot ako ng mata, tila sandaling pagkakaiglip lang ngunit iba na ang mga taong nadaratnan ng mga tingin na mapupungay. Nawala na ang kalbo, napalitan ng isang bading na kanina pa pala nakatingin. Ang mga magsyota ay napalitan ng nag-aaway na mag-asawa. Ang mga estudyante ay nakababa na pala. Lowbat na ang ipod ng naka-earphone kanina. Tumaba ang gwardiyang nagbabantay. May bata, maganda ang ngipin, maayos ang katawan, masayang makatingin, naka-eye glasses at may mayroong candy sa bibig. Lowbat na din ang nagtetext at sumagot ng phone call, bumaba na din ang nagrereview na sa tingin ko ay nag-eexam na ngayon. Pero, isang parte pa lang din ng sasakyan ang nasilayan kong ito. At ako naman, malapit na sa mundong kung kanina ay may kaba, ngayon ay sigurado na dahil ito na kasi ang piniling landas at napaisip muli habang nakatayo sa sasakyan na iyon dahil ibinigay ang inuupan sa isang disabled na kabilang sa people of the Philippines.
Tanging ang nadaratnan kong nasilayan ko pagsakay ko kanina ay ang mga batang iyon, nakatitig pa din, nag-eenjoy sa view na nakikita, nakatingin pa din sila.
At sa aking pagsulyap, nabigla, nagulumihanan, ganoon pa din naman ang makikita, ngunit nagkaroon ng mga ilaw na nagkikislapan, mga ngiti ng mga driver at banker na malakas ang kita sa araw na iyon, ang pagkakahuli sa mandurukot, ang mga batang may pambili na ng makakain sa limos na nakuha, pauwi na ang nagpunta sa opisina at higit sa lahat, napunasan na ang sipon ng uhuging bata kanina.
“Arriving at Recto Terminal Station..Paparating na sa Recto Terminal Station..”
Nagsibabaan na ang mga pasahero, nagpunta na sa kung saan-saan na destinasyon. At sa mga saglit na unti-unting pagkawala ng mga tao, pag-kaubos sa lugar na iyon, unti-unti namang nagdaratingan ang mga kaisipang ito sa akin:
Ang pagsakay sa LRT na isang part ng pagcocommute ng mga college student ay maihahalintulad sa buhay na kinahaharap ng bawat isa, ang hirap nito at ang mga kasiyahang dulot sa kabila ng mga problema.
Ang mga istasyon, mula Santolan hanggang Recto, ay maihahalintulad sa mga stages na ating pinagdadaanan sa buhay, sa kahit ano pa mang paraan natin ito harapin.
Ang mga paalala na kumapit sa mga safety handrails at ang hindi pagdantay sa magkabilang pinto ay mga paalala naman ng ating mga magulang sa tuwing tayo ay tatahak ng landas.
Ang mga pasaherong ating nakakasabay ay parang atin namang mga kaibigan. May nandiyan lang hanggang sa huli, tulad ng mga batang nag-eenjoy sa view kanina, mayroon ding umaalis, nawawala na lamang bigla, tulad ng kalbong napalitan ng bading.
May mga panahon ding sa ating buhay na nagigising na lamang tayo sa katotohanan, katulad ng pagkagising ko sa pagkakaidlip kanina.
At higit sa lahat, ang simpleng pagsakay natin sa LRT ay parang pagtahak na natin mismo sa ating buhay at pag natapos natin ang trip na iyon, ang patigil-tigil na pagpunta sa bawat istasyon, may panibagong buhay na naman ang ating haharapin, sasakay naman tayo sa jeep na na-a-apply na naman ang law of inertia.
Matapos bumaba sa istasyon sa Recto, sumakay sa jeep sa tabi ng isetann, bumaba sa ocampo, along taft ave., sumakay malapit sa Jollibee papuntang dian st. sa Makati, nilakad hanggang Fahrenheit st. dumaan sa simbahan ni st. joseph the worker, pumasok sa gate na may number na 5237, pumasok sa kwarto na inilaan para matulugan, matapos kumain ay nahiga na at ipinikit na ang mata, ayon, ibang mundo na sa kinabukasan. Ibang mundo na na kamumulatan.
Grabe, ang haba ng biyahe katulad na lamang ng haba ng post na ito. May nainip na siguro, at sana nama’y may nanatili pa ding kahit haggard na ang dating ay pinilit pa ding maghintay para matapos ang trip na ito.
Swerte mo, kung nakatagal ka, ayan, malalaman mo na kung saan ako pansamantagal na nakatira ngayon..
Hindi ko malilimutan ang mga ilaw ng siyudad sa kabila ng kaitiman nito dahil sa usok na ibinubuga ng kung sinu-sino.
Jug..jug..jug..jug..jug……
(parang in-advertise lang ang LRT eh noh?)
Loading...
. yeyy. mei bago ulet. nice ! ^^ ganun b tlga ang life? mkkrating b nmn tlga sa gusto mong destinasyon? panu kung.. maligaw.. o maaskidente.. hayst. niweiz. galeng tlga dr. ^^ ngats po. thanks por writing xDD. –chayden
ps. gawa ka pa.. lalo dun sa peborit topic ko
(*demanding
)
sarimau’s view: makakaating ka naman talaga dahil in the first place, nakaregister na sa utak mo na ppunta ka dun..don’t top in striving what you want in your life..ang mga ligaw , aksidente? hindi yun makakaapekto sa mga pagarap..isang balakid lang iyon na malalagpasan din..mas lalakas tayo kung may different entities na makikisali sa journey natin..un lang un..that makes life worthwhile..welcome..^^
jeyden14 - Hulyo 4, 2009 at 12:20 umaga
nakaktuwa nman yung analogy.. maswerte k nga at sa lrt2 k sumasakay.. pano p yung mga nsa lrt1 at mrt? *hope you get what i mean*
minsan mhirap sumakay sa lrt.. mhirap sakyan ang buhay.. may mga pangyayaring ndi inaasahan,.. tulad ng mga red code at yellow code..(lrt1 experience).. mga problema n dumrating satin.. n kelangan nting lampasan..
*continues reading*
sarimau’s view: bonggang-bonggang pagbasa na ah..haha..nakakatuwa naman..another reader of my blog..tnx..^^
perl - Agosto 29, 2009 at 7:07 umaga