ang blag ni sariMAU
…ang blag ng berdeng halimaw…

now playing: Careless Whisper

para sa mga naghahanap pa..

para sa mga naghahanap pa ng copy ng video magpahanggang sa ngayon..XD

After a very long time na puro tungkol sa pag-ibig ang nababasa sa blog na ito, siguro, para maiba naman, ay mag aala-Lolit Solis o Ricky Lo muna ang dating ng post na ito ngayon. Masyado na kasing maraming nangyari sa showbiz industry at kahit ang mga taong walang hilig sa buhay ng mga artista o sabihin na rin nating nakikisawsaw sa buhay nila ay napasulyap at nahatak na.

Siguro, masyadong malakas ang naging hagupit ng mala-bagyong balitang ito. Pero kung tutuusin, hindi na bago at paulit-ulit na nga sa pandinig natin ang isyu at ngayon, masasabing hindi na dapat pang pagtuunan ng pansin.

Kung nagkita kayo ni Katrina Halili at nag-hi siya sa’yo, anong sasabihin mo?

Edi, HAY DEN :-)

It’s been a blast. Bigla na lamang sumalpok ang mga balitang kumakalat na ang mga videos na hit ngayon sa mga nagbebenta ng mga pirated na vcds at dvds ay koleksiyon daw ni HAYDEN. Mayroon kay Katrina Halili, kay Maricar na naging kaklase niya sa UST at kung sinu-sino pang hindi ko na binalak na alamin dahil masasayang lang ang oras ko. Ang isyu ay umabot hanggang sa senado na ayon sa balita ay si Sen. Bong Revilla ang kumilos para mabigyan ito ng aksiyon.

Grabe. My question is, bakit ngayon lang? matagal na ang pagkalat ng mga scandals ng kung sinu-sinong artista, pati nga mga chipipay videos ay nagkalat na. Hindi ko man banggitin ang mga sikat na pangalan sa industriya na hindi mo inaakala na mayroon din pala, ay nakatanim na sa isipan ni juan ang mga pangalan nila, once na narinig niya. Kailangan pa ba ng isang doctor at ng isang “sexiest woman” para mabuksan na ang isyu na ito?

Ang alam ko, bawal talaga ang ganitong bagay pagdating sa batas na ipinapatupad dito sa Pilipinas. Hindi rin tayo maituturing na liberated kundi conservative na ipinagmamalaki pa nga natin minsan. Pero, may mga bagay talaga sa mundo na hindi maiiwasan.

Batay sa isang skill na tinuro sa amin ng prof namin noong nag- Summer Orientaion and Enrichment Program ako sa UP Diliman, na kung hindi isang kano ay mukhang kano, bigla ko na lamang naisip na i-apply ito sa isyu na mainit-init pa hanggang ngayon.

By the way, ang skill ay isa sa mga methods of exposition: “cause-and-effect”.

Ang puno’t dulo ng lahat…

Ang mga Pilipino ay likas na matatalino. Wais nga kung tawagin di ba? Nang dumating ang mga mananakop, particular na ang mga Kastila, talagang naghirap tayo, hindi lang sa ating mga ginagawa dahil sa ating pagkaalipin, kundi pati na rin sa estado natin dahil ang edukasiyon din noon ay ipinagkait sa atin. Scanning kasi sila eh (Siyempre naman, kahit wala pang tiki-tiki noon ay matalino na tayo talaga^^).

Kaya sa ating pagiging wais, natuto tayong um-adapt sa environmental resources natin; Kung ano ang makita ay siguradong mapakikinabangan.

Nagdaan ang panahon, naging moderno, nadagdagan ng teknolohiya at kung anu-ano pang makabagong kaalaman. Pero hindi pa rin nawawala ang natural na pagiging brainy nating mga pinoy.

Dahil sa walang makain at magamit para sa pamumuhay upang mabuhay dahil walang hanapbuhay, ang pamilyang Pilipino ay natutong magpuslit, mangupit, magnakaw, mag-angkin (hanggang sa: “sige sa iyo na.”). Nang hindi nakuntento, bagong gimik naman: Mangholdap, mangcarnap, mangkidnap(hanggang sa lahat na ng bagay nalagyan na ng “ap” sa dulo). At matapos dumami ang mga masasamang tao, nagbuo pa ng grupo: Maging akyat-bahay, budol-budol (at kung anu-ano pang gang sa tabi-tabi). At ngayon, nakaisip pa ng isang dekalidad na style para kumita, ang “pamimirata”.

Isa pang puno’t dulo ng lahat..

Magsimula naman tayo kay Maria Clara. Ang mga babaeng Filipina ay talagang maituturing isa sa mga yaman ng mga Pilipino. Halos sinamba na natin sila dahil sobrang sacred natin kung ituring ang mga babaeng ito. Pero, sa di malamang dahilan, unti-unti na tayong nahawa sa pag-iisip ng mga foranger sa ibang ako ng mundo. Part ba ito ng colonial mentality? Ang naging epekto ay nagiging liberated na tayo o kung sa salitang pinoy ay “hindi na tayo inosente ngayon”. kaya naman, kahit sobrang religious na natin at ang sex ay next to marriage lang, ayan, nauuna nang mangabayo kesa maglakad muna sa altar. Mangabayo sa pagatrabaho dahil sa maraming anak, I mean^^.

Ang huling puno’t dulo ng lahat..

Technology keeps on giving us a great impact that helps mankind to achieve what he wants. Kahit hindi natin alam ang achievement na iyon na kung saan tayo ay makukuntento na. pero, actually, hindi naman talaga tayo makukuntento dahil we are born that way. Hindi tayo uunlad pag nakuntento na tayo ngayon.

Pero anyway, hindi ang pagiging kuntento ang pinupunto ko dito. What I want to emphasize is the effects of tech sa atin, particularly the dreadful effects. Dreadful dahil masyadong grabe ang epekto sa atin. Dahil sa teknolohiya, natuto tayong maging mas creative thinker na pati ang paggawa ng mali ay nagawan na ng paraan.

Everything comes under Newton’s third law of motion which states that: In every action, there is always an equal or opposite reaction. Parang golden rule. Parang kyung may itinanim, may aanihin. Parang pag may tiyaga, may nilaga. Lahat ng bagay may something na kapalit. And in this case, everytime na may magandang epekto ang teknolohiya sa sangkatauhan, mayroon din iyang masamang epekto, hindi natin namamalayan.

——————————————————————————————–

Ngayon, matapos kong I-let’s vault in ang mga puno’t dulo na ito, ito na ang nais kong sabihin ukol sa isyu ni Katrina at hayden niya o ni Vicky dahil hindi KHO siya pag-aari^^:

Kung hindi sana tayo sinakop ng mga kastila, ang nag-enhance sa ating mga isipan, kung hindi sana tayo inimpluwensiyahan ng iba pang foranger, ang nagpaliberated sa atin, at kung hindi sana tayo naapektuhan ng teknolohiya o kung wala ang law ni newton ngayon, hindi hahantong sa ganito. pero kailangang tanggapin ang lahat ng dumarating.

Pareho silang, kung hindi man mali, may mali. Ang sex ay isang way ng pagpapakita ng pagmamahal sa isang asawa hindi sa isang tao lang na nagustuhan mo. Pilipino tayo, hindi tayo tulad ng pag-iisip ng mga fo-“ranger”. Isa pa, videocams are for personal use, hindi po for “sobrang-private” use. Masyadong personal naman ang pagkakaturing kaya pati doon, ginamit.

At isa pa, lahat ng tao ay may pagkakamali, tanggapin na natin at huwag ng magreklamo pa. ang problema sa atin, sinusulusyunan pa natin ng mga pagkakamali at mga kasinungalingan pa ang sugat, the damage that has been done. Mas pinalalaki lang natin ang gulo. Mas nahihirapan ang mga kasangkot dito. Hindi kasi marunong tumanggap ng pagkakamali. Matuto tayong tumanggap ng mga consequences na kalakip sa mga ginawa nating hindi man natin ginusto o nagising na lamang tayo na nagawa na pala natin ang mga ito.

Kaya, para po sa lahat ng mga pinoy diyan, out there, matuto tayo sa bawat pagkakamali. Matutong tanggapin, matutong matutunan. Matutong sa susunod ay gawin na natin ang tama.

Masyado ko nang binigyan ng pansin ang hayden camera kaya naman balik na ko ulit sa pagiging berdeng halimaw na nagpapahayag ng damdamin.

Ang hayden-katrina video scandal ay maaari nating ihambing sa mga problem ng bawat tao, ng bawat Pilipino. Tulad ng video na iyon, ang problema natin ay nandiyan lang sa tabi-tabi, hindi man natin pansinin ay talagang umaaligid sa atin, pirated man ‘to o hindi. Tulad ng video, malakas ang impact sa atin ng mga problema natin, minsan, binibigyan na lang natin ng daan para maging katawa-tawa ito ( katulad ng joke sa itaas..). tulad ng mga senador na naghanap ng solusyon sa video na iyon, naghahanap din tayo ng solusyon upang malampasan ang mga problemang iyon.

At ito ang kailangan at dapat na paghahambing sa video at sa problema ng tao:

Ang problema ay sinusulusyonan, kinakalimutan, at dinidelete natin sa ating isipan..

Kaya kung may kopya ka man ng video nila, bakit hindi natin ito solusyonan, kalimutan na at idelete na sa iyong vcd, dvd, laptop, cellphone, pc at sa kung anu-ano pang gadgets na mayroon ka, lalo na sa pinakamalakas na gadget mo, ang iyong isipan?

(oi, pati sa recycle bin, idelete mo na din, mag-iiwan ka pa ng bakas eh.)

oh kaya naman,

XD

sana, may ganito..

——————————————————————————————

(deleted..)

Teka, ano nga ba pinag-usapan natin? XD

2 Responses to “now playing: Careless Whisper”

  1. haha aux aa ^^ hehe honestly nakaakswa makita yung news na yun sa newspapers and tabloids and it would be best sna if mas papansinin nila yung growing cases of H1N1 influenza A dito sa philippines haha comment lng namaaan ^______^ take care always GOD loves you ,, GOD bless hehe i`ll w8 for the next post hahah ^___^

    sarimau’s view: ah..hehe..actually, isusunud ko na ang virus na naging sikat sa buong mundo..hehe..cge..

  2. nkpagsulat ndn uet si idOl. hehehe. tlgang writer :)
    kahet anu cnusulat :)
    sulat kp. syang nuh. pugee p nmn c hayden :(
    heheh. meh gnun :P
    ingats

    sarimau’s view: wahaha..kaya nga hindi pedeng magrefer k lang sa itsura..^^

    hmm..basta walang matinong lalaki sa malanding kumpare..haha..^^

    ngats din..chay..^^


Leave a Reply