ang blag ni sariMAU
…ang blag ng berdeng halimaw…

mga matang nakakabuntong hininga..

XD

matapos ang malakas na unos na dumating, isang lindol naman ang bumagabag at yumanig sa isip niya habang binabagtas ang daang may mga parisukat na disenyo, paikot sa university oval na iyon..maraming tao ang naglalakad, para bang hindi na mauubos pa kahit magsabog man ang kalangitan ng dilim dahil sa pag-alis ng liwanag ng araw..at sa puntong iyon, tila tumigil ang oras ng katotohanan, hindi lang dahil sa naguguluhan ang isip ngunit sa hindi na niya matanto ang susunod pang mga mangyayari..wala ng kalinawan pa ang mga bagay na darating..

isang buntong-hiniga matapos tumagaktak ang pawis dahil sa kainitan ng kahapunan..minsan payapa ang kalooban, sa tuwing ang mga mata niya ay sumusulyap at nakikipagyakapan sa mata ng kanyang kasama..at sa tuwing inaalis ang mga bisig ng kanilang mga mata, tila bumabalik ang masalimuot na nararamdaman na nadama kani-kanina lamang..sa sa nalalapit na pamamaalam, ibinuka ng isa ang mga katagang tungkol sa pagpigil..hindi niya maunawaan ngunit pumasok iyon sa kanyang isipan..hindi malaman ang gagawin, hindi malaman ang sasabihin..tanging “ingat” lang ang nanggaling sa bibig hanggang sa ang kanilang mga landas ay nahati at  parang napunit na  pati ang mga sulsi niyon..

“sa wakas! nakapagsulat din..sa dalawang linggong nakalipas, tanging mga salitang ingles at mga numero na muna ang nakikita ko..siyempre, dahil sa pinalad na “makalusot” sa upcat at sa dost scholarship, hindi na ko nagdalawang isip na kunin ang opportunity na makapagreview at makapaghanda sa college life na tinatawag..freshy kasi eh..marami na ring akong napuntahan, at mostly sa manila..medyo palagi nga lang ako sa up diliman dahil may soep na tinatawag..ai, summer orientation and enrichment program pala iyon..at speaking of that event, masaya naman ako sa bagong experiencce dahil marami akong natutunan na bago, (na para bang gusto ko ng ikahiya ang highschool life dahil kulang ang natutunan..) marami din akong nakilalang kaibigan..at take note, mas masasayang kaibigan..”

“ang mga huling araw ko noong highschool, masasabing isang plane crash iyon, puro kabiguan, at nalayo sa mga kaibigan..at ngayong summer, ngayon ko lang naramdaman ang sinasabi nilang isang buhat..at para bang sana, soep na lang ang mga mangyayari sa buhay..wahaha..bang saya kasi..hmm..masaya..masaya..tama, masaya nga..magulo, magulo..siguro, magulo..ewan ko, haaay..”

“mula sa mga corny kong jokes, mga hagikgik ni trixia, ang pagiging emo ni leonard, pagiging cute at sexy “daw” ni mona, ang mga out of this world na jokes ni prince, ang kaliitan ni jara, ang pagiging bida ni pevee( senxa kung mali spelling, haha..), ang kaweirdohan ni stephen, ang pagsasayaw ni jp, ang survivor type ni arem( spelling?), ang mga tingin at kakulitan ni rico, at hanggang sa pagsasamahan ng iba pa, parang sana, sila na lang ang mga taong makakasama ko sa kolehiyo..kaso, pagkatapos nito, magkakahiwa-hiwalay na ng landas..habang sinusulat ko ito ay dalawang linggo na lamang ang nalalabi..”

“bro never fails me to give mind-boggling situations that i must solve for myself..walanja kasi, bat ba ganun? may mga bagay talagang akala mo ok na, tapos kinabukasan hindi pa pala..”

sumakay na siya, nag-iisip pa din, naguguluhan pa din..may dumaang magkahawak kamay..may sumakay sa jeep na magkaibigan..may lalaking dala ang mga anak niya..hanggang sa napuno na ang jeep na kung nasaan siya..iniisip pa din ang mga matang iyon..mga mata niya..siguro hanggang sulyap na lamang siya? hanggang sa dumadaan na sa mausok na siyudad, hanggang sa bumaba siya upang maghintay ulit ng sasakyan pauwi..

“siyempre, nakakamis din naman ang mga kaibigan kong matagal ko ng hindi nakikita..”

“at tungkol naman sa buhay sa maynila, ayun, medyo iba sa kinagisnan kong lugar..siguro, magiging mas maraming experience at adventure na naman ang mangyayari kay sarimau sa pagkakataong ito..”

hanggang sa nakasakay na ulit siya, nakauwi, at matapos gawin ang mga dapat gawin, nakatulog siya na gulung-gulo pa din ang mga bagay sa isip niya..ipinikit ang mga mata, napanatag ang paghinga, ngunit, hindi malaman, kung ang unos na iyon, ay humahagupit pa din sa kinabukasan..

“may mga panahong ang nararamdamn ko ay pagkatakot, siyempre, ibang teritoryo na ang papasukin ko, at sa mga nababalitaan ko sa buhay na iyon, baka maculture shock ako sa panibagong pamumuhay..pero, isa lang sure ko, kailangang magawa na ng tama, at ayos na, hindi ko na makikita ang mga magulang, hindi ako iyong tipong mahohome sick dahil sa kanila, hehe, independent ata ito, siguro may pagkakataong hahanaphanapin pero kailangang maging mag-isa na lang..”

sa pagbukas ng kanyang mga mata, siya na agad ang naisip niya..hindi pa rin malimutan ang mga katagang ngayon ay hindi na niya maintindihan..hindi pa ito ang oras para isipin ang mga bagay na iyon pero sa tingin niya, hindi naman maaaring ipag-walang bahala na lamang ang nararamdaman..

“panibagong buhay na naman ang tatahakin ko..kaya goodluck na lamang sa akin..hanggang sa susunod na lang..”

at matapos niyang magising, dumeretso na kagad siya sa kanyang panulat at inihayag ang mga nararamdaman ng isang lalaking naguguluhan, kasabay ng mga nangyari sa dalawang linggong pinagdaanan..tinapos na niya ang mga letrang bumubuo sa pagkakomplikado ng nararamdaman..isang buntong hininga..isa pa..

sana isang panaginip na lamang na hindi na muling magising pa..

isang buntong hininga..

isa pa..

XI


One Response to “mga matang nakakabuntong hininga..”

  1. ito pala yung sinasabi mo.cge.mjm. XD

    sarimau’s view: hehe..sulat ka din..^^


Leave a Reply