para kay “Mabuti”
Kung hindi pa ako magbubukas ng blog ko ay hindi ko pa malalaman na patay na pala ang isa sa mga pilipinong manunulat na hinahangaan ko at nagiging inspirasyon ko na rin para medyo maayos ang mga post na sinusulat ko dito. Noong nabasa ko ang pangalan ni Ms. Genoveva Edroza Matute na may kasamang taon, gulat ang aking nakamit. Hindi ko man siya kamag-anak o wala man kaming relasyon, naalala ko lang ang istorya niya tungkol kay “mabuti”..third year high school ako noong tinalakay namin iyon sa klase kaya naman ay medyo tanda ko pa. at bilang pag-galang at pakikiramay sa pagpanaw ng isang butihing nilalang ng pilipinas ay narito ang buod na ginawa ko noong third year na hinanap ko pa sa aming mahiwagang baul..^_^
Ang Buod ng Kwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza Matute
Si Fe. Isang simpleng bata na sa murang edad ay naunawaan ang tunay na kahulugan ng buhay. Ang kagandahan at pait na naidudulot nito sa mundo. At ito ay dahil sa isang guro, isang ina, si “Mabuti” kung siya’y tawagin.
Isang takipsilim noon, sa isang tagong sulok ng isang silid-aklatan, nandoon, umiiyak at pilit nilulutas ng batang iyon ang kanyang pambata ring suliranin sa pamamagitan ng kanyang luha. Natagpuan siya ni Mabuti doon dahil doon din magtutungo si Mabuti upang lumuha din. Hinawakan niya ang kanyang musmos na kamay at ipinagtapat ng bata ang isang suliranin sa palagay niya ay siya nang pinakamabigat. Nakinig siya. Nakinig siya ng buong pagkaunawa.
Lumabas sila sa paaralan at tinanong ng bata kung ano ang suliranin na iiyakan din ng kanyang guro. Tumanggi ito at sinabing hindi para sa batang gaya niya ang problemang iyon at gusto niyang maging higit na mabuti ang buhay para sa kaniya.
Nabago ang pagtingin ng bata sa kanayang guro matapos ang pangyayaring iyon. Nagtaka siya sa problemang dala-dala nito kaya pilit niya itong hinulaan.
Nang matuklasan niya ito ay naghintay siya ng kahit kaunting pait sa kanyang mga sasabihin sa kanilang pag-aaral ngunit wala.
Sa kanilang pag-aaral sa gurong iyon, lagi nitong binabanggit ang kanayang tanging anak. Paulit-ulit. Ito ay anim na taong gulang at baling araw ay manggagamot ng may karamdaman.
“gaya ng kanyang ama..” Iyon ang nagpanginig sa kanyang mga labi at nagpatakas ng dugo sa kanyang mukha. Sabay sabi ng ang mga nakararanas lang ng lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan.
Noon naramdaman ni Fe na sila ay iisa ni Mabuti dahil nadama niya na silang dalawa ay bahagi ng mga nilalang na nakararanas ng kalungkutan at nakakilala ng kaligayahan.
At ngayon, sa pagpanaw ng manggagamot na ama ng anak ni Mabuti, sa pagburol bito sa isang bahay na hindi tinitirhan ni Mabuti, naunawaan na ang lahat. Naunawaan na ni Fe.
Nawa’y maging ok ka po diyan sa feeling ni Bro. sana’y sa aking pagpanik sa liwanag kung sakali mang doon ako patutungo ay magkrus ang landas natin at malaman ko pa kung gaano ka kagaling..^_^

Loading...
hi there? I’m in 3rd year high sch. I’m just wondering bout Mrs. Mabuti… we’re tackling the story of her,my classmates and me argued about Mrs. Mabuti’s mistery… was Mrs.mabuti a mistress of the said father of her her only child? if not what? i’am a good observant and i really want to know things that made my mind wondered.
sarimau’s view: she is..their relationship is illegal in terms of the father’s family..
it’s good to hear that you are fond of such things that make are minds confused or wondered..but some things have no reason at all..be careful..
thanks for dropping by..
arianne deniece - Hulyo 7, 2009 at 11:37 hapon
Hindi ko pa po nababasa ang buong “Kwento ni Mabuti.” Nais ko po sanang magkaroon ng orihinal na kopya ng “Kwento ni Mabuti.” Kung sino man po ang may magandang kalooban, kung maaari sana’y pagkalooban niyo ako ng maikling kuwentong ito. Labis ko po itong ikalulugod. Salamat po. Kung inyo pong mamarapatin, ito po ang aking e-mail address: clownfish_21@yahoo.com. Salamat po ng marami.
sarimau’s view: pasensiya na, sa libro lang noong hayskul ko nabasa ang kwentong ito.makakahanaap ka din..^_^
Michael dela Cruz - Setyembre 12, 2009 at 2:03 umaga
salamat po! laking tulong para sa homework namin!=)
sarimau’s view: salamat din sa pagbisita..^_^
Christine - Setyembre 22, 2009 at 11:39 umaga
Ang galeng d2 ko lng pla mahahanap 2 hehe dami kong binuksan na site bago ko lng mahanap 2 pero sana dinagdagan mo nung mga tauhan mga gintong aral…Pero maraming salamat po suggest ko lng un ^^
sarimau’s view: this is just my point of view..kaw na bahala dahil nakadepende naman sayo kung ano ang nakuha mong aral dito..nasa sa sayo un..
Paul Arddy Ciolo - Oktubre 8, 2009 at 9:34 umaga