ang blag ni sariMAU
the world will always be the same..somehow..

from rags to rajah..it is your destiny..

the slumdog millionaire

the slumdog millionaire

Noong una ko pa lamang napanood ito, alam ko na, isa ito sa mga aral na hindi dapat bale-walain ng bawat isa sa atin. Sa haba ng isinulat kong ito, kung talagang gusto niyo makita ang tunay na nasa likod ng pelikula, kung may mga tanong kayo may pagtatakang bumabalot inyong mga isipan, at siyempre, para sa mga hindi pa nagagawang masilayan ang bawat pangyayari sa buhay ni Jamal, basahin mo hanggang huli.

Jamal Malik is one question away

from winning 20 million rupees.

How did he do it?

a. he cheated

b. he’s lucky

c. he’s a genius

d. it is written

iyan ang unang katanungang na masasabi kong sa aking sarili ay nakakapagpabagabag..maraming nagsasabi na maganda at nakaka-inspire daw ang pelikulang ito ngunit sa kadahilanang marami akong ginagawa ay I didn’t manage to watch it. Ito ang nagtulak sa kin na panoorin na ito nang nagkaroon ng pagkakataon sa aming school dahil sa pagkakaroon ng film showing..pinapanood ng teacher namin sa English( see post entitled perpekto nga ba si tinkerbell?)..actually, kinokompleto na lamang namin ang mga “school days” hanggang sa dumating na ang nalalapit na graduation, kaunti na lang, malapit na..goodbye na..paalam na..( napapakanta tuloy ako ng as long as i you are in my heart, we’ll never say goodbye…)

noong una, ang tanging alam ko lang dito ay iyon nga, isang batang tinatawag

si jamal sa CR..

si jamal sa CR..

nilang “slumdog” na sa tingin ko’y ikinagalit ng mga Indian or muslim people dahil nga sa para itong isang pagyurak sa dignidad ng isang asyano..lingid sa inyong kaalaman, ang pagyurak na iyon ay maihahambing sa klasismo na ating tinatawag, ito ang maling pagtingin o sabihin na nating mababaw na pagtingin dahil sa may paniniwalang may mga antas o level ang bawat tao..pero sa katunayan, ang mga asyano ang mas marami o tayo ang may higit na bilang at ang aking pinagtataka lang ay bakit american people pa din ang mas kilala..siguro ay dahil sa mas nauna silang mag-isip na maging maunlad kaysa kahit kanino..ayun, mas lalo akong naging eager na panoorin pa itong pelikulang ito to the point na I want to know what’s behind it, sa loob man o sa labas ng industriyang pampelikula. May nagsabi pa nga sa akin na based daw ito sa novel kaya babasahin ko din iyon..hinanap ko at nalaman ko na ang nobelang Q&A ni ganon ang pinagbasehan ng pelikulang ito..ngayon, ayon sa tanong na aking isinulat noong una, iyon nga, nagtataka ang mga awtoridad kung bakit nasasagot niya ang mga tanong eh isa lang naman siyang taong naninirahan sa “slum” sa Mumbai, India. Isang misteryong ang mga naiisip ay kung nandaya ba siya o may accomplice ba siyang isinama sa gameshow na iyon. Wala ba silang tiwala sa isang tao na ganoon ang nakaugaliang pamumuhay? Tama, isang sign ng racial discrimination ito..maling pagtingin, hindi tamang pagtrato, hindi sila makatao.

bale, para maging maayos ang ating pag-uusap at pagpapalitan ng kuru-kuro, inayos ko din ang paraan ng kung paano ko ipapahayag ang aking mga nalalaman at napagtatanto para sa inyong pagiintindi at pag-iisip..

ang buhay ni Jamal at at ang lahat ng tao sa paligid niya..

ang ating protagonist sa movie na iyon ay walang iba kundi si Jamal Malik na ginawa ang lahat para magtagumpay sa kanyang iniibig. hindi lang sa taong kanyang minamahal na si Latika kundi pati na rin sa mga bagay na tama at dapat niyang panindigan. noong bata pa lamang siya ay palagi na siyang ina-under ng kanyang kuyang si Salim, isang tipikal na muslim na dahil sa

ang buhay nila sa tren..

ang buhay nila sa tren..

kaunti lang ang pinag-aralan ay natutong kumayod sa buhay. .daig pa nga ako sa diskarte nilang magkuya dahil kung anu-anong trabaho ang pinasok ng dalawang ito..naging tigatinda sa tren, illegal ang ginagawa nilang iyon..may scene pa nga na nagnanakaw sila ng pagkain sa loob ng tren at matapos itali sa paa si Jamal ay nakabitin sila sa tabi ng tren at pumupuslit ng tinapay( nasa taas ang kuya niya nakahawak sa lubid..) kita niyo iyon? para lamang makakain ay gagawin iyon ng mga batang iyon..nakarating din sila sa taj mahal na alam naman nating isa sa mga wonders of the world at isa ring tourist’s spot..ano ang naging trabaho niya doon? isang tour guide..imbento at malito-lito, ginawa niya lahat para kumita doon dahil isa lang ang goal niya, bumalik sa kanila at mabawi si Latika..ang kuaya naman niya, dahil sa pagkapilyo ay kinukuha ang mga sapatos ng mga tourists dahil sa bawal ipasok ang sapatos nila sa loob, banal kasi ang lugar na iyon..hanggang sa nagkahiwalay na sila ng kuya niya sa pagbalik nila doon Mumbai sa kadahilanang hindi niya malaman..sumali kasi ang kuya niya sa masamang tao na si Javed, kaaway ni Maman, upang hindi sila patayin o gantihan ng mga alagad ni Maman..si Maman ay isang masamant tao din na kumukupkop ng bata sa lansangan ngunit sa masamang kadahilanan, pinapalimos niya ang mga ito, upang, ayon sa aking ina, ay para kumita sila ng walang kahirap-hirapo o nakaupo na lamang sa kanilang bahay..ang masama pa ay ang ginagawa nila sa mga marurunong kumanta ay binubulag upang mas maging kaawa-awa..muntik na si Jamal na maging bulag na manlilimos na kung hindi dahil sa kuya niya ay natuloy ang masalimuot na bagay na ito..at naging assistant phone basher si Jamal sa Juhu o chaiwalla kung tawagin doon..at dahil sa alab ng puso niya ay nagawa niya makasali, at alam mo kung ano dahilan ng kanyang pagsali?

“I went to the show, because i thought, she’d be watching…”

iyon lang ang dahilan..

destiny nga sila..^_^

destiny nga sila..^_^

biruin niyo, lahat gagawin sa minamahal, kaya nga nagkatuluyan eh..^_^

Ang buhay ng mga tao sa paligid niya at ang kanilang kultura

kahit saang anggulo mo tingnan, kitang-kita ang kultura ng mga namumuhay sa india especially sa tinatawag nilang “slum”. .at sa aking pagsearch sa kung ano ba ang ito ay ito ang aking nakalap..

A slum, as defined by the United Nations agency UN_HABITAT, is a run-down area of a city characterized by substandard housing and squalor and lacking in tenure security. According to the United Nations, one billion people worldwide live in slums.

ayan..kung gustio mo pang may malaman diyan ay magcomment ka lang at ako’y malugod na ipapaliwanag ang mga ito..kung malaks lang ang trip mo ay igoogle mo na lang..^_^

ito, ang buhay na ito , ang ipinakita sa pelikula..nakaaawa, may umaalingasaw na baho, marumi, maalinsangan ang mga daan, tabi-tabing parang bahay ng gagamba ang mga bahay, para bang maitutulad mo sa barung-barong o sa squatter’s area ang dating kung ikukumpara sa pilipinas..alam naman nating mahirap mabuhay ng ganito, hindi man natin maranasan at makita man lang natin sila sa daan..gaya ng buhay ni Jamal noong bata pa siya, ganoon din ang buhay na nararanasan ngayon ng mga indians, na, hindi ko pa alam kung ganito pa rin..halos lahat ng tao sa mundo ay nakakaranasa na ng hirap ngayon, kaya sana, kung may pagkakataon ka namang makatulong kahit papaano ay tumulong ka dahil kaya ka biniyayaan ng ganyang buhay dahil ang assignment na ibinigay sa iyo ni BRO ay maging mapagbigay..

ang kanilang kultura at ang diskriminasyon atbp.

nagyong alam na natin ang kultura ng mga slumdogs na kung tawagin ay may mga tanong lang ako na gusto kong isipin ninyo sa inyong sarili, at least, matauhan naman kayo kahit papaano..

makatarungan bang kutya-kutyain ka na dahil sa slum ka lang nanggaling ay hindi ka na macoconsider na contestant sa isang gameshow? na nakuha ka

the three muskeeters..

the three muskeeters..

pang hulihin at pahirapan, kuryentehin at lunurin dahil lang sa isang bintang na wala pang ebidensiya? sa inyo na din manggagaling ang mga sagot na hindi, pero, iyon ang naging trato sa mga muslim people sa india, na kung tutuusin, mas mahirap pa sa buhay ng mga Pilipino..pero hindi tayo makuntento, isipin niyo na lamang ang ating mga needs and wants, we may want our needs but, we may not need our wants..mmatuto tayong mabuhay ng kuntento, nasa lugar ang pagiging mapangarapin dahil pag ito’y naging mali, ang pangarap ay maitutulad na din sa ambisyon na maging higit sa materyal na bagay o karangyaan..ang tunay na kayamanan ay ang mga values na ating natututunan sa buhay, hindi ang mga bagay na madaling maubos o mawala..isipin niyo yan..

ang diskriminasyon atbp. at ang reaksiyon ng mga tao sa India..

at dahil nga sa diskriminasyon na ito, isama mo na din ang racial nito o racism, medyo nagalit, ai, talaga pa lang nagalit ang mga tao sa India dahil nga sa parang ito ay lalong pagyurak sa kanilang pangalan, sa pagiging tao..tama lang ang kilos na nagawa nila dahil marunong naman silang mangatwiran at libre namang magsalit sa mundo..masyadong nanguna ang mga damdamin nila kaya sila biglang sumabog at bumugso ang natutulog na kaluluwa ng mga nag-aalab na puso..hmm, in this case, nagising ang mga

who wants to be a slumdog?

who wants to be a slumdog?

maaamong “slumdogs” na para bang kumalat ang rabies na sanhi ng maling pagtrato na tipong inilabas nila ang kanilang mga pangil at handa ng mangagat sa industriyang pampelikula..

ang reaksiyon ng mga tao sa India at ang paliwanag ng direktor ng pelikula..

si Danny Boyle, ang director ng movie, ay nagpaliwanag naman na ito ay isa lang pagpapakita sa kung ano ba talaga ang buhay ng mga tao sa slums, hindi niya ninais na bumatikos sa mga tao na iyon kung hindi ay maging boses pa nga nila sa kanilang kahirapan..hindi ko na masyadong nasundan ang balitang ito ngunit sana naman, para sa mga tao sa India, ay tingnan na lamang nila ang ating tinatawag na “other side of the coin” dahil para rin ito sa kanila, ang boses nila ay tinulungan ng isang direktor na nakita ang significance ng buhay niloa bilang isang tao sa mundong ito..

dapat sana ay ilalagay ko ang mga tanong na sinagot niya sa gameshow sa post na ito ngunit baka sumobra na ang haba nito..at baka naman maging sanhi pa ako ng hindi niyo pagpanood nito, mahuli pa ako at pahirapan..haha..panoorin ninyo na lang dahil sa bukod sa nanalo ito ng walong awards ay talaga namang 4 thumbs up ako sa pelikulang ito..tama, pati mga thumbs ko sa paa, iaangat ko para lang dito..wala naman iyon sa karangalan ng pelikula, sa galing artista, sa husay ng direktor o sa panulat ng sumulat ng librong pinagbasehan nito, ang mahalaga ay kung 0 paano natin isasabuhay ang pangyayaring ito at matulungan ang iba sa pamamagitan ng pamamahagi ng ating natutunan..

at para sa huli kong masasabi,

ang buhay ay maaaring maitulad sa slums na mga iyon..mahirap mabuhay

taong putik si jamal..

taong putik si jamal..

doon, may diskriminasyon , masamang hangarin at kung anu-ano pa..ang solusyon sa kahirapan ay hindi ang pera..ang pagmamahal, kung tunay, ay hahamakin ang lahat, masunod ka lamang..at ang sinasabi nilang destiny ay hindi chance kundi choice, hindi ito dapat intayin, kundi ito ay dapata gawin..

at ang huli, hindi mo kailangang maging matalino sa lahat ng bagay upang magtagumpay , kundi, ang mahalaga ay magamit ang lahat ng bagay sa katalinuhan upang magtagumpay..

panoorin niyo rin at may halong romance, action, suspense, comedy at kung anu-ano pa..

ay, favorite part ko pala doon ay nang tumalon si Jamal noong bata pa lamang siya para makita si Amitabh Bachchan..panoorin niyo na lamang kung saan siya tumalon..^_^

the answer: d. it is written..

picture source: photobucket..oh kaya igoogle mo na lang..^_^

4 Responses to “from rags to rajah..it is your destiny..”

  1. grbe, napanuod ko din to. Unfortunately, di ko siya natapos. T—T

    sarimau’s view: mas maganda ang feeling kapag natapo smo..try mo panuorin muli..^_^

  2. oo nga ako rin napanuod ko sya,ung sa una ung parang tinotorture sya,kaso di ko rin natapos,sa net ko lang kc napanuod eh…

    sarimau’s view: ah, it feels good, gaya ng sinabi ko kay polly, na mapanood mo xa ng buo..hope you watch it again..^_^

  3. i Love it =)
    pede k ng bob ong ^_^
    Lhe q bnbsa bLog mu =)

    sarimau’s view: waah, tnx po..haha..fan din ako nun, di lang ako makapagbasa ng buks nya eh..kasi, alang pambili..^_^

  4. hehehe gnda ng story nyan pnpnood dn smen yan nung thursday sa skul ee hmm mjo nkakaawa nga sya kc at first very complicated ung life nya tpos kumokontra pa yung kptd nya hehe tma ka dn kc prang for just that reason gnwa nya un dba? hmm gling nga nun kc ung mga unforgettable good and bad experiences nya in life ung nging main cause nung victory nya Ü gnda tlga haha ingat lge tnx sa blog hehehe

    sarimau’s view: hindi naman halata na gandang-ganda ka..^_^..hehe, anyway, agree, agree, agree..^_^


Leave a Reply