ang blag ni sariMAU
the world will always be the same..somehow..

You’re my MONA LISA..(even if it takes for me to be da vinci.. )

mona lisa smile..

mona lisa smile..

masyadong masalimuot ang mga pangyayari, to the point na ngayon lang ulit ako nakapagsulat at medyo nawalan ng ginagawa..

at dahil nga sa very haggard at strenuous ang mga pinaggagagawa ko in the past few days,( ai, maraming few un..haha..), pabayaan niyo naman ulit akong kumanta sa harap niyo..

oh? bakit? hindi po ako sintonado..actually, parang lamang ako ng kaunting hasa sa isang lata..hehe..biro lang..kung alam niyo..sabaya na lang sa agos ha?

game..

(hmmm..medyo singit-singit po ng mga story ha..para feel..^_^ hmmm..)

“You’re my piece of mind, in this crazy world

You’re everything I’ve tried to find, your love is a pearl…”

hmmm..siya lang at walang iba..marami akong pinagdaanan, marami rin akong nakilala..at sa dami kong naranasan, siguro, masasabi kong siya pa lang ang mismong mismong bonggang-bonggang true love ko..(yes, exaggerated dapat..)..hmmm..bakit? kung ating bubuksan ang mahiwagang baul ng aking pagkabata, first crush? first love interest? first love? hmm, magandang tanong iyan..isa lang masasabi ko, it’s just a very puppy love..so di ko icoconsider na first love ang mga iyon..at sa mga sumunod, naglaro po ako..magalit na ang mga babae na nagbabasa nito pero, just here my reason: naglaro to the point na hindi ko alam ang dapat gawin..nagkakagusto, nagkakacrush..naaattract kung kani-kanino, may mga times pa na bumabalik na ang karma..haaay..siguro, dadating din ang time na ako naman angdadalihin noong bagay na iyon pero di ako takot na harapin dahil kung hindi talaga ako matututo sa mga bagay na pinagdadaanan ko, baka paglaki ko ay isa na akong blogerong masama..at puro katarantaduhan ang ituturo ko sa inyo..anyway, back to the topic.,.ang aking pag-ibig..sabi sa linya ng kanta, ayan din ang masasabi ko sa inyo..haaay..tuwing nakikita ko siya, para bang katulad ako ni jericho sa commercial ng shampoo noong bumagsak siya sa sofa..^_^..at sa pangalawang linya naman? hmm, matagal ko ding hinintay ang pagkakataong ito na makita’t makilala ko siya kahit hindi ko pa sigurado ay “i grabbed the opportunity” dahil, malay natin, siya na talaga..sa tuwing naiisip ko siya, parang kinikiliti ang mga daliri ko sa paa ng mga buhok ko sa ulo..ganon ako kiligin..^_^

“You’re my Mona Lisa…”

i just wanna emphasize this thing..hindi naman halata..haha..hmm..pag sinabing mona lisa sa lugar ni leonardo da vinci, siyempre ibig sabihin ay maganda at kialala sa kanila..gawa niya iyon eh..at isa ang kagandahan ng isang babae na pinahahalagahan at pinepreserve nila dahil tradisyon na nila iyon..isama mo na din ang mga sculptor na si Michaelangelo, Raphael at Donatello..oh ayan, mat ninja turtles ka na..hehe..hey, it’s a trivia, doon po kinuha ang mga name nila..^_^..ai, ano ba itong kuinukwento ko, balik ulit sa tpoci ko..ang aking pag-ibig..basta, siya ang MONA LISA ko, siya lang at walang iba..at kahit maubos ang kilay niya dahil sa kakacompare ko kay mona lisa sa mukha niya, siya pa din at walang iba..^_^

“You’re my rainbow skies

And my only prayer is that you realize

You’ll always be beautiful in my eyes…”

hmmm..at pag maghahanap ako ng silay sa aking pagpasok sa umaga, lalo na pag umuulan, hindi ko na kailangang maghanap ng bahaghari, andun na siya eh..hmm..maraming problema, katulad ng mga naisulat ko na dito, expectations, failures at kung anu-ano pang hardships ang napagdaan ko, at maniwala man si pres. barack HUSSEIN obama o sa hindi, palagi ko siyang pinagdadasal..na sana, siya na nga..palagi akong lumalapit kay BRO, kahit wala si santino, dahil lahat naman tayo ay libreng tumwag sa kanya noh, kahit nakared mobile ka man o hindi, andiyan pa rin siya, naghihintay lang ng tawag mo..pinagdadasal ko sa kanya na sana, mapanatili ko ang nararamdaman ko, ang pag-ibig ko..sa kanya ko naramdaman ang mga bagay na hindi pa abot ng aking pang-unawa..at sino makakapagsabi sa aking pag nasa gitan niyo si BRO, ay hindi kayo magtatagal? ^_^

“The world will turn

And the seasons will change

And all the lessons we will learn

Will be beautiful and strange…”

ang isa sa pinakiinis kong bagay ay ang oras, una, dahil palagi akong nalalate na ayaw kong mangyari, pangalawa, hindi ko na mababalik ang mga oras na nasayang..kung ako na lang sana si superman edi inikutan ko na ang earth at pinaikot pabalik pero hindi eh, im just simply eagleman..^_^..at bakit gusto kong ibalik ang oras na nasayang? marami akong regrets ngayon..bago ako nagsulat ay umiiyak ako..hindi ko mapigilan..sobrang depressed ako dahil sa mga bagay na sana ay makakamit ko na nagyon..ang mga teachers at mga magulang ko, disappointed, pero tanong ko lang, ang pagiging valedictorian ba ay sign ng pagiging magaling at matalinong tao? hindi, hinding-hindi, dahil ito lang ay isang karangalan..at ang nabuo sa isipan ko ay isa lang..ang karangalan na magkaroon ng isang natatanging pag-ibig at galing pa sa BRO ko..tingnan mo, pinarangalan niya ko sa mga bagay na ginawa kong mabuti..isipin mo na lang , palagi ka niyang sinasagot, minasn lang ay sinasagot ka lang niya ng”NO COMMENT” o “NO” dahil hindi pa time at may mas maganda pang bagay na matatamo mo..at iyon nga, sa dami ng pinagdaaanang prioblema ko, hanggang ngayon, nakakapit pa rin ako sa kaisa-isa kong pag-ibig..ayan, natututo kami ng mga bagay na magpapatatag sa amin..at ang mga bagay na iyon? beautiful dahil mas marami kang matututunan kung ano talaga ang buhay at masasabi mong, mas nagiging tao ka..wala akong sinasabing hayop ka dati..at strange? dahil ibang kaalamn iyon, bago..especially sa mga batang katulad namin..experiences aren’t big things..but, they are millions of little things..^_^

“We’ll have our fell of tears

Our share of sight

My only prayer is that you realize

You’ll always be beautiful in my eyes…”

iyong dalawang line na lang ang ihahambing ko sa buhay ni kurikong, ay ni sarimau pala..iyon oh, may tears..lalo akong naiiyak sa mga line sna iyan..pero, kanina iyon..ang mag lalaki ay hindi pwedeng umiyak? hindi po totoo iyon..wag kayong makikinig sa mga hearsay..talaga lang may pakpak ang balita at may tainga ang lupa..pero, ang mga lalaki, dahil sa kinikimkim nila ang galit at lungkot sa dibdib nila ay mas maaga silang namamatay..siyempre, stressed ang katawan, puso, isip at pati utak mo..total destruction ng iyong bodily parts..sabog ang ulirat mo..pero, pag natuto kayong yumiyak kahit minsan, huwag lang sa babae, basta sa mga problema, mas magiging magaan ang pakiramdam niyo..bading? hindi, may rule ba ang mga bading na kapag ang mga lalaki ay bading na? sa kanila mo tanungin, ok lang iyon..we are just equal..at kahit ano pa mang kasarian, kahit sino, pwedeng gawin ang mga bagay na gusto niya..remember: we have our own rights and privileges..medyo nalalayo, haha..basta, ang masasabi ko lang, sa tuwing kasam ko siya at mabigat ang pakiramdam ko, i want to cry in front of her..di lang talaga lumalabas dahil sa pagiging wrong timing pero i crave to do that..at, isa pa, isa sa pinaka-kilig moments ay ang mga mata niya..para bang masasabi ko ang kataga ni badoodles na “see the world through my eyes..” but in this case, in her eyes..^_^

“You will always be beautiful in my eyes
And the passing years will show
That you will always grow
Ever more beautiful in my eyes…”

ehem..ehem..just feel the song muna, mahirap kumanta habang nagkukwento noh..^_^..

“And there are lines upon my face
From a life time of smiles
When the time comes to embrace
For one long last wine…”

haaay..lumulungkot lalo ang lyrics ah..haaay..yes, ther are line upon my face, and this are tears again..may mga oras na nasasaktan din ko, hindi ko alam kung bakit..may mag bagay na hindi ko matake..bukod sa mga selos na nararamdaman ng mga kabataan, basta, walang kulay ang nararamdaman mo kapag hindi mo ito nararamdaman..just think of it as a painting..makulay ang pag-ibig mo pero, kung hindi mo siya hahaluan ng kaunting tubig para magawa ang mga desired na kulay na gusto mo, never mong magagawa ang masterpiece na iyon..tulad ng lapis, may pambura..may ups and downs tulad ng gulong, basta may pros and cons, it is just the reality of life..^_^..long time of smiles..hmm..sobrang dami ng memories na kapag pinagdugtung-dugtong mo ang mga oras at panahon na nakangiti kami at nakatingin sa isa’t isa, hmm, baka mangalay na ang aming mga panga at magaya sa nangyari sa babae sa pelikulang MIRRORS..XD..embrace? that’s my yamashita..oh kaya naman national ko din iyon..yamashita and national treasure..(para wala ng makalampas sa kahalagahan..^_^)..wine? sarap noon..^_^

“We can laugh about how time really flies

We won’t say goodbye…”

sobrang kaunti na lang ang oras ng aming “pagsasama” talaga..siyempre, college life ang next stage ni mario ngayon..pero gaya ni mario, hindi ako titigil hanggang makarating ako sa huli at masave ang prinsesa ko..(mukhang palaka nga lang..)..my frog princess..hehe..at gaya ni mario, it’s just a matter of 1ups..alam niyo iyon? iyong puso? sa akin, it means love..mas maraming love sa iisang tao, o, mas mamahalin ko pa, mas titibay ang pag-ibig na pinanghahawakan sa buhay..oo, kasama ko din ang mga kaibigang nagaala-luigi at yoshi at isama pa iyong mukang mushroom..magagawa ko ito , sa tulong nila..wait for mr, my princess..^_^..we won’t say goodbye..we will not say die..you will always be my apple pie..^_^

“Cause true love never dies

You’ll always be beautiful in my eyes…”

waaaah..sasapakin ko ang hindi um-agree dito..tsitsinelasin ko kaya ng aking sapataos..ay, sasapatusin ko pala kayo ng tsinelas, wala akong pambili ng sapataos noh, tsinelas na lang..true love..uhm ,can you please define it for me? WALANG MAKAPAGSASABI SA KIN NIYAN KUNG HINDI SI BRO..kaya basta kung feel mo, iyon iyon..basta tanong mo lang kay BRO..ako, kay BRO kasi siya nanggaling eh..kaya, im confodent..^_^..basta, mahal ko siya..tapos..^_^

“You will always be beautiful in my eyes

And The passing years will show

That you will always grow

Ever more beautiful in my eyes…”

mas minamahal ko pa siya sa tagal ng panahon..parang tanduay, habang tumatagal, lalong sumasarap..basta, mahirap ipaliwanag ang mga nararamdaman ng isang tao pag umiibig..just think of the quotes: “love conquers all..”,”love is undefined..”, at para sa akin? ” love is..siya..”

“The passing years will show

That you will always grow

Ever more beautiful in my eyes…”

basta, patuloy kitang mamahalin hanggang bukas..hindi forver and appropriate dahil hindi natutupad eh..bukas, bakit? natatapos ba ang bukas? basta, mamahalin ko ang mansanas na iyon hanggang sa mahinog , mabulok o malunok na nga taong kakain..^_^

“ayan, repeat chorus na lang at ang last three lines..”

haaay..natpos na ang kanta..pero, kailan man, ang mga himig ng pag-big na inilagay sa kanta ng aking pagmamahal ay mahirap mabura dahil nasa puso na ng kumakanta..

maraming salamat sa maga nakinig at nagbasa ito..

at sa pinakahuling mensahe, ay iaalay ko sa walang iba kundi kay gellie nadua..

“hmm..maraming salamat sa lahat, sa lahat-lahat..sa mga oras na wala ako, hayaan mo’t magdo-double time ako sa duty ko sayo..sa oras na balewala ka, hmm, babaguhin ko ang word na iyon, gagawin kong balemeron..^_^..at, seryoso na, sa mga oras na magkasam tayo, masaya man, malungkot, malikot, madilim, maliwanag, mainit, malamig, corny, boring, baduy, jologs, maganda ka pa rin sa mga mata ko..”

you will always be beautiful in my eyes..

“ang mga taon na nakalipas ay ipapakita sa akin,

na sa tagal ng panahon, mas gumaganda ka pa para sa akin..^_^”

(translation ng last three lines..)

ps..

para kay ..

GELLIE NADUA

(makita man ng nanay ko, atay ko, kaklase ko, kapatid ko at ng kung sinu-sino, walang hiya-hiya..kaso, patay ako , buntal ako mamaya..^_^)

————————————————————————————————

“mali ba umibig? kung siya man ang dahilan ng aking pagkabigo, hindi ako nagsisisi..hindi talaga para sa akin ang ganoong kataas na posisiyon o karanalan..mas gusto ko pang makatabi siya at maupo na lang sa talampakan ng kung sino man ang karapat-dapat..”

8 Responses to “You’re my MONA LISA..(even if it takes for me to be da vinci.. )”

  1. hmmmm..answit ni jm..
    bhira nlan an gnyan..
    unexpected. :)

    sarimau’s view: waah, unexpected talaga..biruin mo, napadaan dito ang isang hukot? hehe.jowk lang, nice one..tnx for dropping by..i really appreciate that one..nadali mo, natouch ako, balik ka ulit ha..tnx din sa comment, karamihan kasi nagbabasa, walang comment..^_^..ingats, taba..^_^

  2. wow…you are agreat guy..sana mkahanap ako ng guy na katulad mo..hehehe..ung mahal na mahal ako pero xempre mahal ko rin..

    sarimau’s view: uhm, ilang taon na po ba kayo? isang hamak na bata pa lamng po ako, sabihin na ring sa kalagitnaan ng adolescent age..16 lang po..bata pa po kaya medyo wala pang masyadong expirience sa ganyan..kayo po?

  3. hmm, salamat..
    hehe,,anu yun ha..mm..

    speechless ee..

    sarimau’s view: hmm, ayan, nabasa mo na sa wakas..^_^

  4. wowness
    sweet ka pla tlga
    grabe na
    as in
    :]
    grabe ka pla mainlab

    prang aq…sknea:/
    hayst
    we won’t say gudbye cause true love never dies

    sana nga
    sana lang ;[

    ;]keep it up
    galeeeeeeeeeng!

    sarimau’s view: hmm..inlab lang talaga..that’s all..^_^

  5. i have read this more than twice
    grabeh favorite ko to mxdo..
    it makes me feel how magical my love really is :)
    GRABE.hay naku dr.mau :)

    inlove kpb?
    ngatskie :)

    sarimau’s view: hmm..chayden, agree ako na love is magical..pero di ba ang magic ay isang fantasy kung minsan? ngayun, nagkamali ako sa mga desisyon ko, kaya ung love na yang nababasa mo lagi, andun pa rin naman ngunit matapos magnyebe ng mga pangyayari, kasabay na nagyelo ang pinaguugatan ng nararamdamang ito..pahinga muna ako dahil may karera pang dapat tapusin..love can wait..xd

  6. TAMA. parang pareho nga tau ng ctwxon ea.true LOVE can wait :)
    urghh, di ko maabsorb ea :) favorite ko tlga to. mxdo akong bilib sa pagibig. :) STUDIES muna :) db? yep. tnxs dr.mau

    sarimau’s view: tama..studies muna..may mga bagay kasi na hindi mo inaasahang nangyayari..katulad sa kin..pero mahirap ng magkamali ulit at makasakit kaya mas piliin dapat ang mga kailangang gawin kaysa gustung gawin..disiplina lang..XD

  7. ..^_^..we won’t say goodbye..we will not say die..you will always be my apple pie..^_^ ( superrr favorite line ^^)

    i forgot how many times i’ve read this. waah . ganda tlga :) ) nkkaiyak. everytime i read this, mgkkiba ung nrrmdaman kooo :( hahah. wew ^^

    sarimau’s view: grabe ka, di ka na nagsawa..salamat..^^

  8. Ayan ah. binasa ko na. hekz…
    ang cute… khit di maxado applicable skin..
    harhar… =)

    sarimau’s view: siyempre, storya ko yan..^_^


Leave a Reply