ang blag ni sariMAU
…ang blag ng berdeng halimaw…

ina ko..INA MO..ina nating lahat..

bungad..ang mudra bungangera..

bungad..ang mudra bungangera..

nang ako’y nasita na naman sa bahay dahil sa pagka-”flirty” ng kwarto ko, marami akong nadiscover at nalaman sa mga bagay na pagmamay-ari ko..para kasing pinagsamang jungle, outer space at underwater ang kwarto kong iyon..parang nasa ibang mundo ka..^_^..at sa aking paghahanap, ng kung anu-ano, na para bang ako si nicolas cage sa national treasure o yamashita na lang, ay nakita ko ang mga papeles na naglalaman ng mga isinulat ko noong ako’y isa pa lamang junior..naalala ko pa,parang nag-flashback lahat ng mga pangyayari, at haaay, kalungkot dahil ngayon, nalalapit na talaga ang pagtatapos..anyways, balik tayo sa mahiwagang baul..nakita ko ang isang sanaysay na tungkol sa mga nanay, medyo nababasa ko pa naman ang aking sulat kahit parang kinahig ito ng manok kaya nagawa ko pang ilatha la dito..ito, basahin mo na:

Ang Aking Ina

Kilalang-kilala niyo na ba ang inyong ina? Marahil ay ang alam niyo na ang kanyang pisikal na kaanyuan at panloob na katangian. Ngunit sa tingin ko, hindi pa talaga natin siya lubos na kilala. Bakit? Siyempre. Alam niyo na ba kung paano nila nalalaman ang mga bagay na iniisip natin kahit hindi na natin ito sinasabi sa kanya at nalalaman naiya ito sa ppammagitan ng ating mga kilos? Di ba hindi? Sila lang ang nakaaalam noon.

Ang pagiging isang ina ay hindi madaling karakter sa mundo.  Sabi nga ng karamihan sa kanila, ito ay “mahirap ngunit masarap”. mahirap dahil sa maraming inaasikaso na problema at masarap dahil sa kaligayahan para sa kanyang mga anak. Ganyan ang aking ina. Teka, bakit nga ba ngayon ko lang siya binanggit? siguro ay dahil kahit iba-iba ang mga katangian at ugali ng mga katangian at ugali ng mga ina ay pare-pareho nilang mahal ang kanilang ng higit sa lahat ang kanilang mga anak.

Nakapagtataka naman kung ang pamagat ng sanaysay na ito ay “ang aking ina” kahit na isang beses ko lang nabanggit ang sarili kong nanay. Nais ko lamang na iparating na ang lahat ng ina sa mundo, ang inako, ina mo, at ang mga ina ng lahat ay magkakaiba sa mga paraan  para iparamdam sa atin ang kanilang pagmamahal ngunit iisa lang ang kanilang nais sa atin, ang mapasaya tayo sa ating buhay at iparamdam sa atin na:c “ANAK KITA”

hmmmm..ito ang mga panahong nakakaasar ang aking mudra..nakakaasara sila..nagkataon pang ito pa ang nakita kong sulatin..paano ba naman kasi, palagi akong sinisigawan..at ano problema sa akin? palagi akong natutulog sa tuwing mahihiga ako sa kama..tulugero in short..tulog mantika pa..kaya, pag nahiga, tulog..eh nagkatong hindi pa ako kumakain..iyon ang problema sa akin..pero, palaging sumisigaw..parang nakapatay..tingin mo sino ang may mali?

siyempre ako..

siyempre, una, magulang sila..kailangang sundin..pero, mga pagkakamali lang naman iyon na hindi ko mabago sa sarili ko..kulang ako sa disiplina pero hirap talaga baguhin..pipilitin at mas pupursigihin ko pang magbago para sa kanila..natural, kailangan iyon para maging mabuti ang pagsasamahan niyon..at kung hindi, baka si sarimau ay makikita mo na lang sa daan, pinalayas na ako..^_^

may pagkakamali din sila kahit papaano..

talaga..agre ako..kahit ikaw, alam ko..hirap pakisamahan noh?para bang gusto mo takapan ang bibig..siguro, minsan, nagiging OA na sila at ang mga maliliit na bagay ay napalalaki..galit sa isa, bakit magagalit sa lahat? yamot lagi..haaay..

pero, tayong mga kabataan ay pag-asa ng bayan..(anong konek?^_^)..at part ng pagiging pag-asa ng bayan natin na maging magalang, mapagmahal na anak..sa kanila din tayo tatakbo kapag dumating ang mga araw na malapit na tayong patayin ng kahirapan sa buhay..kaya pagbigyan na lamang natin sila..magalit na kung magalit..mainis na kung mainis..manghampas na kung manghahampas..matanda na rin sila..at huwag mong gagawing excuse na matalino ka..dahil mas may experience naman sila kaysa sa iyo..kaya, let us just say that “to be old and wise…we must be young and stupid first..”

natripan ko lang magpost..

daming pumapasok sa utak, hirap iarrange at isulat..]

until the next post..^_^

hep, hep, hep..walang masama sa title..kayo lang ang nag-iisip..peace to all mothers..^_^

4 Responses to “ina ko..INA MO..ina nating lahat..”

  1. hmmm.. may similarities pala ang ating mudra.. hehe..

    sarimau’s view: ganun? pwes, pasaway na anak ka din?^_^

  2. yeah, i agree…
    baliktarin man ang mundo..
    ina pa rin natin sila..

    sarimau’s view: i second the motion..kaya dapat talagang intindihin ang mga iyon..

  3. yup. i agree.. kaya intindihin na lamang sila. :)

    sarimau’s view: yup..lalo na pag mga hindi na makakilos dahil balang araw, tayo naman ang tatanda..^_^

  4. wahaha nakakatuwa nakakarelate ako. hehe hmmm tma ka Ü sa maraming points. peo wla naman tayo mggwa ryt?? hehe gglingan nmen sa last yr kya glingan nyo dn Ü GOd loves us all and i know he loves you very much Ü tc

    sarimau’s view: tama ka mon..wala nga tayo magagawa..at kahit anong gawin natin, sila pa din ay ating mga magulang..parang c BRO..kahit ano gawin natin, sa kanya pa rin tayo lalapit..hehe..hmmm..talagang dapat na galingan niyo dahil sa inyo sasandig ang mga estudynate at guro next year..cge..BRObless..


Leave a Reply