ang blag ni sariMAU
the world will always be the same..somehow..

nahihirapan na naman ang halimaw na kalooban..

medyo hindi ako makapagsulat ngayon dahil sa kadahilanang(redundancy..^_^) kaunting oras na lamng ang nalalabi at ako’y makatatapos na rin sa hayskul..nais kong ibahagi ang istorya ng naganap noong js prom at isang post tungkol sa angono..pero, wala lang masyadong time kaya for the mean time, ito muna ang iseshare ko sa bawat isang nagbabasa ng mga post ni sarimau:

isa itong sulating pormal sa asignaturang pilipino na kanina ko lang hinapit habang nagdidiscuss si mam.. anyways, kung mapapansin dito, medyo umulit kung nabasa niyo na ang iba kong post pero just enjoy pa din at comment kayo ha kahit sa ibang post ko..

basahin mo na..

———————————————————————————————

habang isinasayaw ng panulat kong ito ang mga salitang sinisilayan ng iyong mga mata, ito ang mga panahong nalalapit nang magtakipsilim ang isa na namang araw at may sisibol na namang isang bagong umaga..ito din ang mga panahong puro tinik ng pagsubok at sugat ng pagsuko ang nararamdaman ng partikular na katauhang ito na malapit ng maubos ang upos ng pag-asa..baka bigla na lamang malagutan ng hininga ng walang kapararakan..hindi na malaman ng malikot na isipan ang kanyang gagawin, ang kanyang uunahin..pagkakamali ang natatamo matapos ang mga pagkakamali..pagkabigo ang nakukuha matapos ang mga kabiguan..pagsuko, hindi ang pagkatapos ng isa pa nito, kundi nalalapit pa laman..ang pumapasok sa ispan ay kung paano mapagtatagumpayan ang mga bagay-bagay na kung mangyari man-naku, imposible na ata..ikinulong na ng responsibilidad, sa mga rehas ng pananagutan..bigong panunungkulan, bigong pakikipaglaban..tanging lubid at upuan na lamang ang kanyang iniisip.

“ano na ang gagawin ko? paano na ako? ano na…”

siguro, masasabi kong mali na naman ang ginagawa ko ngayon dahil nagtuturo ang guro pero pinili ko pa ring hapitin ang sulating ito..sa panahong ito, malapit na ring dumating ang katapusan na ang mag katagang ito ang nasa isip ko,

“konting tiis na lamang…”

Pagtitiis? sobrang tagal na akong nagtitiis ngunit wala pa ring ibinungang maganda..nakakaloko man itong isipin, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan ang mag nangyayari sa sarili ko..isang pagtatapos ba ito na may halong pagsisisi? marahil dapat hindi ko na isipin ang mga ganitong bagay pero hindi ko talaga maiwasan, maiwasang maramdaman. isang kataga na naman ang dumaan sa alinsangan ng aking kaisipan..

“Sumabay na lang sa agos…”

isang sulyap ang aking nagawa sa mga taong kasama ko na ng apat na taon nang ako’y panandaliang natigilan sa aking pagkaka-upo..may mga ngiting nakakaloko, masaya at kung anu-ano pang hindi ko talaga malilimutan sa sandaling inialis ko ang aking mga paa sa paaralang ito..at ngayon, nagpapasalamat ako sa kanila..sila ang mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nandito pa rin ako, lumalaban..

PASASALAMAT:

maraming salamat sa lahat, sa kanila:

-sa nakatatakot na halimaw na walang inatupag kundi kalinisan at disiplina..

-mga kampon na masipag at masugid na nagtuturo sa mga

-wala pang masyadong karanasan na mga lamang lupa..

-isama mo na din ang engkantadang laging nasa tabi ko anumang oras ko siya tawagin..

at kung wala sila, hindi ko na nakayanan at baka ang aking sungay, buntot at ang mga mahahaba kong kukong mga ito ay titigil na sa paglaki, paglaban, pagunlad..magiging isa na lamang na berdeng halimaw na nalulunod sa pinaghalong luha’t kadiliman..

ngunit, kung anu’t ano man, mangyari man ang napipintong kadiliman at minimithing liwanag, ito lang ang tanging maiiwan ko sa mga bata, sa mga taong ni minsan ay hindi pa nararanasan ang nararamdaman ko ngayon at malapit na ding mapuntahan ang lugar na kung saan nandoon ang dilubyong ito:

“katulad na rin ng lahat ng konklusyon sa mundong ito, ang lahat ay may buhay ngunit hindi lahat maganda ang buhay..ang lahat ay dumadaan sa pagsubok na may posibilidad na humantong sa pagsuko o pag-asa. ang lahat ay mayroon ngunit madalas hindi mo pagkakataon..”

No Responses Yet to “nahihirapan na naman ang halimaw na kalooban..”

Leave a Reply