ang blag ni sariMAU
…ang blag ng berdeng halimaw…

SUICIDE NOTE..

tama..dapat lang..

tama..dapat lang..

Bago ako mamatay, ito ang mga nais kong sabihin sa lahat ng mahahalaga at mga patapong tao na nais kong maalis sa buhay ko:

Para sa mga taong nagbigay ng kulay sa buhay ko:

1.maraming salamat sa lahat ng minahal ko, sa mga babaeng nasaktan ko at sa pinakahuli at sa tunay kong minahal na aking maituturing, hindi kayo nabigong bigyan ako ng aral sa lahat ng mga [agkakamali kong nagawa..at sa iyo, patwad sa lahat ng ginawa kong mali, at nandito lang ako palagi, kailanman hindi na magbabago ang nararamdaman ko sa iyo..

2. sa mga kaibigan na walang sawang nagpagaan sa loob ko at sa mga handang tumulong lagi sa tuwing ako’y nahihirapan at humihingi ng saklolo, maraming salamat sa inyo..tunay kayong kaibigan..kug sakali mang mawala na ako sa mundo, babantayn ko kayo palagi at sana maging matagumpay kayo sa mga goals niyo sa buhay..

3. sa mga taong nakilala, nakasalubong sa daan, naperwisyo, naloko at sa mga taong tangengots na nakigulo sa buhay ko, maraming salamat din, hindi magiging kumpleto ang pagkatao ko kung hindi dahil sa inyo..

Bawat isa sa inyo ay naging mahalaga sa akin, naging buhay ko na kayo, anu’t ano man ang mangyari at dumating sa puntong magpapakamaty na rin kayo tulad ko, isipin niyo, mali itong gagawin niyo..sa palagay ko, hindi ko na kaya ang nararamdaman kong ito kaya bigyan niyo na ako ng pahintulot na magpaalam..sige..

Para naman sa mga patapong tao na hindi lang dahil saw ala kayong kwenta sa akin kung hindi dahil gusto ko na kayong mawala sa isipan ko, kung pwede lang, pinatay ko na kayo isa-isa..mumultuhin ko kayo pag nasa kabilang buhay na ako..lagot kayo sa akin..

Ikaw, ikaw at ang iba pa, isang bagay lamng ang nais kong sabihin sa inyo, oo, natalo ako sa pakikipaglaban sa inyo, magpapakamatay na nga ako dib a pero natitiyak kong, may araw din kayo, karma..hindi man ako nagtagumpay na pabagsakin kayo, tandaan niyo, may araw din kayo..paalam sa inyo..

Pero, sa kasamaang palad, hindi naman ganoon kadali lang iyon….ano? magpapakamatay na kagad ako? Hindi pwede iyan..kailangang ituloy ang laban..

Naranasan mo na sigurong maramdaman iyong tipong gusto mo nang magpakamatay..Hindi mo na alam ang gagawin mo dahil baka ang mangyari na naman ay kamalian at kabiguan..iyong tipong isang pagkakamali na lamang na iyong magagawa ay makakapagpasiya ka ng magpakamatay..sa totoo lang, andiyan na ko sa stage na iyon..baka nga mamaya, maisipan ko nang kitilin ang buhay kong ito..seryoso ako..hindi ako emo, pero siguro, 50/50 na ang chances na gawin ko na ang kasalanang hindi mapapatawad ninu man..sobrang dami na kasi ng mga problema ko, para bang pasan pasan ko na ang buhay ko..hirap na hirap na ako..sobra na ang ginawa kong hindi pagpansin sa mga maling nagawa o sa mga hindi ko nagawa pero, patuloy pa rin silang lumalapit sa akin na pilit akong hinahatak pailalim..

Ang sama ko siguro dahil naisip kong magpakamatay..inaamin ko, naisip kong isang alternative iyon para mawala ang bigat na nasaloob ko ngayon..

Ito lang naman ang mga problema ko..maaaring makikita sa ilan ay sobrang babaw lang na sobra kong binibig deal pero ganon kasi ako sa mga bagay na iyon..meron namang mabibigat na sa gulang kong ito’y biruin mo, dala dala ko na..

Una, ito lang naman ang pinakamatagal na hanggang ngayon ay dala dala ko pa din kahit saan..hindi ko na malaman kong pano ko aalisin sa sarili ko ito..i wan’t to get rid of it..i just want to stay away with it..to think other things just to forget about it..at ano iyon?

Expectations..

Expectations galing sa mga guro, sa magulang, sa pamilya, sa classmates, sa kaibigan at sa kung sinu-sino pa..bakit? marami ba? Dahil ganito lang naman ako sa paaralan..running for sabihin na rin nating pang valedictorian ang lola mo, pero kung magpapakasaya at magiging kontento na lang ako sa sarili ko ay salutatorian ang habol ko...isa pa, pinakikilala ko sa iyo ang pinakawalang kwentang presidente na nakilala ko, president eng kanilang student council na wala mang lang nagawang kahit anong project na maituturing..puro pasang awa lang ang ratings kung may magawa man..at sino ba ito? Ako lang naman iyon..ang pr esidenteng napagiwanan ng panahon..at ano naman ang sinasabi nila sakin?

“bakit walang nagagawa ang student council?”

“Ano na nangyari sa inyo?”

“Gumawa naman kayo ng proyekto..”

“nasan na ang pinangako niyo?”

At kung anu-ano pa..

Hindi ko malamn kung susundin ko ba ang damdamin ko na barilin isa-isa ang mga nagrereklamo..iyong tipong ang dapat sana na pinatupad ko ay martial law..sarap siguro ng buhay na iyon..buhay ng namatay na si pres. Ferdinand marcos..kung tutuusin, mas maayos nga iyong ginawa niyang pmamahala..ang mali lang sa kanya, kinamkamn niya ang yaman ng pilipinas eh..wala talagang maidudulot ang pagiging ganid sa kayamanan at kapangyarihan..pero, hindi ko naman maihahalintulad ang sarili k sa kanya..hindi ko naman ginamit ang kapangyarihang ipinataw sa akin eh..hindi ko pa nga nagamit ng maatos..bigo talaga ako sa mga inexpect nila sa akin..

Responsibility

Ang susunod sa walang kapararakang expectations na iyon ay siyempre, ano ba ang next doon..ang responsibilidad..hindi ko malaman, sa tuwing may ipinaprioritize akong isang bagay, hindi ko maiwasang magkamali, dapat pala ganito..dapat pala ganoon..kung iisipin ko, iyon ang mas mahahalagang bagay ngunit pag natapos na, maiisip ko na lang, dapat pala iyon ang inuna ko..jatulad na lamang ng kung ano ang mas bibigyan ko ng halaga, studies ko ang iba kong mga tungkulin..siyempre, I tresure my studies, next lang ang iba pang mga bagay..pero, sa tuwing nararamdaman ko na na ayos na ang pag-aaral ko, at wala ng iniisip na iba, biglang may mangyayaring hindi maganda, may bigla na lang na magsasabi sakin, nasaan ka na? wala ka ng nagawa..

At ang mga sumusunod na problema sa dalawang pinakamatitinding ito ay ang aking mga kahinaan..wala akong magawa sa mga ito..oo, maraming nagsasabi na marami akong talento, matalino, all around daw..magaling sa math, matalino sa science, magandang magsketch, maraming trivias sa utak, matalino daw magsalita dahil sobrang meaningful ng mga sinasabi at kung anu-ano pang papuri na nanggagaling sa mga tao..

Ang pinakaproblema ko sa lahat, how to speak in English..marunong naman lalo na sa apgsusulat pero pag on the spot, mala extemporaneous ang drama, hirap ako..di ko nga lam kung papaano ko mapghuhusayan pa ang pagsasalita ng malafo-ranger ang dating..i can speak English, but, honestly, I m not so fluent in speaking that language, ican write, but I thinki, the problem with me is my mind, because I didn’t think in English..dapat kasi siguro ganoon..kung magisip ako, tagalong tapos, magiisip ulit ako kung papaano ako magi-english ng bonggang bongga..at ito pa, parang ang rtadhana ay lalo pang pinamukha sa akin ang kahinaan kong ito, pakibasa na lamang po ang post bago ang post na ito..

Ayan, alam mo na kung ano mga pinagdadaanan ko..kung sa tingin mo mababaw na maituturing, mali ka doon, depende iyon kasi sa taong nagdadala noon..sa personality ko, mabigat iyon, sobrang lalim ng ibig sabihin ng mga iyon sa akin..masasabing may pagkaperfectionist ako dahil nga sa gustong maging maayos ang lahat, sa lahat ng oras at panahon..

Ito naman ang mga pinakaiinisan kong tao sa ngayon:

1. tinkerbell

2. chufau

Wala lang, nasabi ko lang..paalala, hindi nila tunay na pangalan..^_^

Pero salamat at kung hindi dahil sa inyo, nagpakamatay na talaga ako ngayon..

“kung hindi dahil sa mga bulaklak sa halamanan, sa mga bunga ng kapunuan at sa mga hayop na ako’y sinamahan, sa kweba man, sa parang o sa kagubatan, mas pinili ko na sigurong magpakalunod sa malalim na karagatan..sa kailali-ilaliman noon, na kung saan, wala ng makaaalam, wala ng makatutuklas ng aking nararmdaman..wala ng makikita kundi kadiliman..”

Sana makaya ko pa ito..

Siguro, kung talagang magpoapakamatay na ako ngayon, ang nasa atas ang mensahe ko sa libu-libong nakigulo sa buhay ko..pero, alam ko mali iyon..binigyan ko alang ng pagkakataon ang sarili ko na: ano ang sasabihin ko kung sakaling buo na ang desisiyon ko? Hehe..masarap din pala ang feeling..kaya siguro maraming nagpapakamatay..pero, mahirap pa ring intindihin ang katulad nila..hindi mo rin malalaman kung ano na ang mangyayari sa iyo matapos mo gawin iyon..pero dahil sa natututo akong kumapit sa mga kaibigan at sa diyos, napipigilan ko pa ding pigilan ang sarili kong agwin ang bagay na iyon..sinasabi lagi ng guro ko na ang kasalanan ay hindi pwedeng solusyonan ng isa pang kasalanan..ang kabiguan ay hindi malalampasan ng isang kamalian..mahirap mabuhay..napakahirap..hindi ko na nga kaya eh..pinipilit ko na lamang dahil inaalay ko na lang ang mga ginagawa ko sa mga kaibigan na pinahahalagahan ko..

“malapit ng matapos ang yugtong ito..kaya hindi ito ang oras para sumuko pa ako..kung marami pang darating na hirap at pasakit, sige, hamunin niyo lang ako, hindi ko kayo aatrasan kahit ikamatay ko man ang kahihiyan, kabiguan at pagkadepress dahil sa mga walang hiyang ipinagbababato niyo sa akin, lalaban pa rin ako hanggang katapusan..at sa huli, titiyakin kong nagkamali kayo ng hinarap, nabigo kayong ako,y pabagsakin at matapos ang lahat ng ating pakikibaka sa isa’t isa, kayo ay tutumba at isang tuwa o pagtawa ang manggagaling sa aking bibig..hindi dahil sa tagumpay, kung hindi dahil sa natapos ko ang pagsubok, nakamtan ko ang pagpapatunay na isa ako sa mga nilikha ng diyos na nabuhay na maibibilang sa isa sa mga taong kanyang pinagkatiwalaan na kayang gawin ang lahat ng bagay, at kayang lagpasan ang lahat ng masusukal na kadiliman..”

Hanggang sa susunod..

Medyo emo type ako ngayon, pero, nagbawas lang ng nararamdaman..pasensiya na..

tama ito..

tama ito..

9 Responses to “SUICIDE NOTE..”

  1. wahh…dapadaan lang po
    naisipan ko na rin pong gawin yan…as early as grade 5.
    pero heto’t buhay pa rin naman ako…

    sarimau’s view: hmmm..sa bagay, siguro, normal lang sa isang tao maramdaman ang pagsuko kaya minsan, naiisip nilang gawin ang pagpapakamatay..pero ang mali lang, nagpapaapekto kasi sila eh..iyon lamang..

  2. sa hinaba-haba ng binasa ko, isa lang ang naunawaan ko…

    … f@#k your own life. (diba sarimau? ^^)

    sarimau’s view: anyways, trip trip lang naman po ito eh..tsaka kahit hindi biro ang iba kung sinabi, malaki ang posibilidad na hindi k gawin ang mga bagay na ito..natakot nga po ako nung binasa ko..hehe..cge po..^_^

  3. nako nako.. ang creepy naman.. pero napakaaga pa para isipin ang mga bagay na iyan. :D enjoy layp. bata ka pa.. bata ka pa nga ba? ilang taon ka na ba? HMM :D

    sabagay, HMM :) okay lang yan.. basta i-enjoy mo muna kung anung meron ngaun. :D

    –gudang!

    sarimau’s view: hehe..16 pa lang po..^_^ naglabas lang po ako ng sama ng loob kaya walang dapat ipagalala..dito ko na binuhos ang lahat ng nararamadaman ko po eh..haya..senxa kung meju creepy..haha..

    tnx po sa advice..ngayion naman po ay feel qu na ulit iyong dati, magaan ang loob..

    cge po..^_^

  4. hey dun be too morbid.life is good.happiness is just a state of mind.ilabas mo lang lahat ng sama ng loob mo.dito kami para makinig.

    sarimau’s view: tnx po..medyo mabigat lang ang loob nung sinusulat ko ito kaya po medyo may pagka..hehe..anyways, tnx din po sa suppot niyo..haha..^_^

  5. hay naku parang nadrained ako sa pinagsusulat mo… parang napagod ako… ok lang kanya-kanyang trip lang yan… at least alam mo kung paano lumaban… hindi ka bibigyan ng isang pagsubok ng diyos kung alam niyang hindi mo kaya…

    sarimau’s view: pasenxa na po kung mejo mahaba ang pinagsususulat ko..hehe..medyo mahaba rin po kasi ang pagkainis ko sa mga taong nabanggit doon..anyways, tnx po sa advice, tama po kayo tungkol sa sinabi niyo kay god..sige po..^_^

  6. Suicides suck(period)

    Okay lang ang mga ganoon kapag nangyayari sa mga fiction tulad ng mga novels and stuff. What ever you do, don’t consider doing it.

    sarimau’s view: tama ka jan tol..hehe..my pagka novel pa naman ako, o sabihin na ring pagkafiction ang personality ko..haha..anyways, di ko naman talaga gagawin ito..am i insane?^_^

  7. ex link??
    http://simplefula09.wordpress.com

    sarimau’s view: ayan, nailagay ko na..late reply na ito..haha..^_^

  8. No, Sarimau. Nagre-request s’ya na mag-EXchange LINKs kayo. AKA parang Affiliates. Hindi EX-LINK na Former Link Partners. :D

    Anyway, napansin kong mayroon na ka na palang link papunta sakin. Ilalagay ko rin yung sayo sa blog ko. :)

    sarimau’s view: ai, sori naman..haha..newbie nga eh..haha..yan, isang katangahan ni sarimau..akalain mu un?^_^

  9. Wala naman akong sinabing tanga ka eh. ;)

    sarimau’s view: oo nga..pero siyempre, nakakatawa lang..haha..tunggak talaga ako..anyways, pag may tym, ako naman magbabasa sa blog mo..^_^


Leave a Reply