ang blag ni sariMAU
the world will always be the same..somehow..

Choco Honey-Dipped..

Nang imulat ko ang aking mga mata

Sa pinakamalawak na lupain sa mundo,

Nawala ang aking pagtataka’t aking napuna

Ito’y ang kalangitan pala.

Ang mga malalaking ulap

Na pilit tinatabunan ang asul na kalawakan.

Mga huni ng mga pangkaraniwang ibon,

Kasabay ng tunog ng agos ng rumaragasang tubig.

Ang pag-ihip ng hangin na tila kay lamig

Na para bang sa lamig ay ikaw ay manginginig

At sa lakas ng pagbulusok nito’y

Ikaw ay tatangayin sa kawalan.

May mga taong masayang namumuhay, nagkakantahan.

Magkakaibang ugali’t pananaw sa buhay.

Mayroon ding mga batang naglalaro’t naghahabulan.

Hindi iniisip ang kinabukasan.

Ang lahat ng ito’y aking nasilayan

At kahit sa muli kong pagbukas ng aking mga mata,

Napakapayapa,

Napakaganda.

Dito, sa lugar na ito,

Kami nagkita’t nagkakilala.

Kami’y naging masaya’t naging magkaibigan,

Naging sandalan, at sa isa’t isa’y nagkaroon ng kahalagahan.

Siya na nagbigay sa akin ng inspirasyon,

Ng pag-asang makabangon.

Matapos akong mabigo at nasugatan

Ng mga nakahihiwang tinik ng pagsuko.

Pumikit ako muli,

Para maramdaman ang lahat.

Ngunit natawa ako, at nagtaka

Isang panaginip lang ba?

Isang pamamaalam sa kanya

Na hindi ko lubos maisip, hindi lubos maunawaan.

Masisilayan ba muli ang mga panahong iyon,

Na tila tunay na at pawang wala ng alinlangan?

Siya’y ngumiti.

Ang kanyang kamay, sa mukha ko’y kanyang dinampi.

Pilit akong pinatahan, pinahinto sa pagpatak,

At nagsabi ng mga salitang, kailanman ay hindi ko malilimutan.

“Walang makapagsasabi kung tunay na ba ito o hindi.

Walang nakaaalam kung tama ba ito o mali.

Basta kung ang nasa isipan ay may paninindigan,

Kahit na anong mangyari man ay walang panghihinayang.”

“Kung tunay ngang mali ang lahat ng ito,

Na tila isang panaginip lamang talaga ang bawat yugto,

Huwag malungkot, o magmukmok sa isang tabi,

Dahil may naghihintay pang bukas, may pag-asa pang ang sugat ay gumaling.”

“At kung ang bawat sandali’y ay hindi isang panaginip,

at pagmulat mo’y ikaw pa din ang kaharap,

kahit may unos na dumating, kahit may tuksong humihila pailalim,

kahit anong mangyari kapit ko ang iyong kamay, kahit anong pagsubok, yayakapin kita habang buhay.”

Ito ay para sa kanya..dito ko man alam kung tunay na nga ba ito o hindi, basta gagawin ko lahat para hindi siya mawala sa parang na iyon..kung magkaroon man sa pananaw ko sa pag-ibig ko sa kanya, masasabi kong minahal ko talaga siya..kung hindi pa ito tunay, para sa akin, tunay na at nakatatak na sa akin..at kung anu man ang mangyari, bahala na ang diyos para sa akin..

4 Responses to “Choco Honey-Dipped..”

  1. hmm, nakakatouch un ah..

    isa lang msasabi ko sayo,

    pray lng tau ok?
    just hold on,..

    sabi sa kanta..

    “ders a rison y we love each oder now, and we dont know if this is 4ever..
    ders a rison y we are 2geder now, and we dont care if dis is not 4ever now..”

    un un ee..

    labyu..muah..

    sarimau’s view: hala, nagview ka pala..kita mo tuloy ito..haha..

    hmmmm..nakagugulat talaga..for the viewers..sa kanya ko po dinededicate ang tulang ito..haha..

    sige, ingats ka..tnx sa pagview..mwahpaks..^_^

  2. booom!!

    yun oh..

    sarimau’s view: gulat ka noh..^_^

  3. waaahhh..

    natural..kaw tlga..

    cge2..

    ngats..muah..

    hmm,grabe,mmmmmmmmmmmmmm..??

    hahahah..

    sarimau’s view: anu na naman yang pinagsasasabi mu..? ^_^

  4. waahhh..

    aba, yabang mo..

    wala, wala kong sinabi.

    hindi ko na sasabin sayo..

    sarimau’s view: ha? ano po ba iyon?


Leave a Reply