ang blag ni sariMAU
the world will always be the same..somehow..

maisasayaw pa kaya kita?

sa susunod na iyong totoo..^-^

sa susunod na iyong totoo..^-^

“Nang imulat ko ang aking mga mata, aking nasilayan ang pinakamalawak na lupain sa mundo. Ang kalangitan. Ang mga malalaking ulap na pilit tinatabunan ang asul na kalawakan. Mga huni ng mga pangkaraniwang ibon, kasabay ng tunog ng agos ng rumaragasang tubig. Ang pag-ihip ng hangin na tila sa lamig ay ikaw ay manginginig at sa lakas ay ikaw ay tatangayin sa kawalan. Ang mga tao’y masayang namumuhay, mga batang naglalaro at walang pagod na naghahabulan. Ang lahat ng ito’y aking nasilayan sa muli kong pagbukas ng aking mga mata. Napakapayapa, napakaganda. Dito, dito sa lugar na ito kami nagkita at naging masaya. Siya na nagbigay sa akin ng inspirasyon at pag-asa matapos akong mabigo at nasugatan ng nakakahiwang mga tinik ng pagsuko. Pumikit ako, para maramdaman ang lahat. Ngunit, natawa ako. Isang panaginip lang pala na aking napag-isip-isip… ”

Apat na taon ding nagdaan ngunit kailanman hindi ko siya napansin sa kadahilanang hindi kami talaga pinag-tatagpo ng tadhana. At ang dahilang ito’y gawa-gawa lamang ng mapaglaro kong isipan. Pero, bakit sa tagal ng pananatili ko sa paaralang iyon, ngayon ko lamang siya nakita? Isa lang sigurado ko sa kanya. Ang kanyang pangalan. Madalang ang mga pagkakataong nagkikita kami. Ganito lang ang pangyayari, makikita ko siya, makikita niya ko, pero hiindi kami nagkakakitaan. Kaya masasabing nagkikita nga kami ngunit hindi nagpapansinan. Tatlong buwan na lamang ang nalalabi. Mapaglaro talaga ang buhay. Napakaadik. Bakit ngayon ko lang siya nakilala? sasabayan pa ang tanong na ito ng mga pagtataka katulad ng magkikita pa kaya kami sa kolehiyo? Makikilala ko pa ba siya? Sana, kahit maging magkaibigan na lang kami, ayos na.

Sa mga nasabi kong iyon, para bang nasabi ko na ring bata pa ang aking pag-iisip tungkol sa mga pag-ibig na iyan. Naman kasi eh. Ang senaryo ng buhay ko’y palaging muntik kung tutuusin. Muntik? Oo, iyong tipong pag-ibig na, naging bato pa. pero hindi ko na iniisip iyon sapagkat pinaprioritize ko ang kung anong ibinibigay sa aking ng aking mga magulang. Ang edukasyon. Ang nararamadaman kong ito ay malayo ang agwat sa pinahahalagahan ko. Pero, siyempre, hindi mo masasabi kung kalian darating ang pagkakataong mararamdamn mo na ang isang nakapagtataka at bago sa iyo. Sobrang mapanganib ito kung susuriin. Nakakatakot. Hindi mo malamn kung ano ang gagawin mo.

Nang makilala ko siya ay sa ikatlong taon ko sa paaralang iyon, hmmmm, maganda siya, nasabi ko sa sarili ko. Pero, hindi naging big deal sa akin ang babaeng iyon. Walang naging dating, parang hangin lang na dumaan, hindi pinansin.

Pero bakit ngayon ay gusto ko na siyang maging kaibigan? Bakit kating-kati na ang aking mga bibig sa pagtatanong ng kung ano ang number niya? Hindi mapakaling gusto ding magtanong kung pwede ba tayong maging magkaibigan? Iba na ata ang nararamdaman kong ito.

Sinuswerte nga naman kung tutuusin pero, maswerte talaga ako. Minsan pala’y pumapanig na rin sa akin gang tadhana. Paano ko nasabi iyon?

Malapit na ang JS Prom sa aming paaralan at ako ay napili bilang isa sa mga sasayaw ng isang special number sa darating na gabi noon. Hindi ko alam kung ang tawag ba talaga doon ay “kutilyon” dahil naririnig ko lang sa aking mga kaklase. Sinabi sa aking ng kaklase kong siya ang magiging partner ko sa practice hanggang sa “moment of truth”. Pero noong unang araw ng paraktis ay wala siya. Hinanap ko ng hinanap, wla pa din. Sumunod na tinawag ay kami na, ngunit sa kasamaang palad, ako lang ang lumapit sa aming guro kaya maghintay na lamng daw ako. Tinawag naman ang babeng iyon na dahil sa kanya ay hindi ako mapakali. At nagtaka akong isa lang din siyang pumanik sa entablado at sinabing absent ang kapareha niya. Walang atubiling sinabihan kaming kami daw muna ang magkapartner. Waaah. Nagulat, kinabahan at nasiyahan. Iyan ang tatlo kong naramdaman. At medyo nabawi ang kasiyahan ng sabihin ang word na “temporary” dahil baka iyon lang ang araw na kami ang magiging magkapareha.

Tumugtog na ang piyesa at kami ay tinuruan na ng mga steps. At dahil nga isang maituturing na “formal celebration” iyon, magsasayaw din kami ng mga sayaw na hindi malikot at modern, mala classic ang dating. Waltz at kung anu-ano pa. pagbow ko ay hinawakan ko ang kamay niya at pumunta na kami sa pwesto. Wala akong masabi, ni hindi ako makaimik. Parang umuurong ang aking dila. Kaba.

Pagdating sa pwesto ay may partikular na pagkakataong ganito ang mga sumunod na nangyari.

“magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay, na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay…”

Hinawakan ko ang kanyang baywang, kailangan eh. Nahihiya man ako, baka naman kami ang mapagalitan. Bigla siyang nagsalit na “OK lang”. doon na nagsimula nag tiwala ko sa kanya. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya ngunit doon ako mas nagkaron ng lakas ng loob na magsalita. Isangnapakaikling “sige” ang naibulalasa ng aking bibig. Pagkatapos ay nakdantay ang kanyang kamay sa kamay ko, ang isa pa niyang kamay ay sa balikat ko. Parang heaven ang feeling noon, ang saya ko dahil ang “dream girl” kong maituturing ay sa mga oras na iyon ay katabi ko, malapit ako sa kanya at take note, magsasaywa pa kami. Minsan, nagkakatinginan, ngiti lang ang aming isinusukli sa bawat isa, sa bawat tingin namin. Naisip ko sa sarili kong sana, ganito na lang ako habang buhay. Sana kahit panaginip ito, hindi na ako magising. Pero, nakakalungkot mang isipin, hindi pwede iyon, ayun at natapos na ang maliligayang sandali. Matapos noon ay hindi ko na malimutan ang kamay niya na habng nakadantay iyon sa mga kamay ko ay nafeel kong gusto ko siyang protektahan sa mga sandaling iyon. Hindi ko na malimutan, lagi kong tinitingnan ang kamay ko, at nag-iimagine ang mga pangyayaring iyon. Sana maulit ulit next week, sabi ko sa sarili ko.

Dumaan ang linggo at nagkaroon ng programa kung saan sasayaw na naman sila. Kabilang siya sa mga dancers ng paaralan. At akung tatanungin ako’y dapat na hindi kasama sa sayaw na iyon dahil parehong kanan ang paa ko. Oo, hindi kaliwa, kanan..hehe. sa kanilang mga practice, hindi ko maiwasang tumingin sa kanya, masdan ang kanyang kagandahan, lalo na ang kanyang mga ngiti. May pagkakataong muntik na niya kong mahuli sa pagsilay ko sa kanya. Habang busy ako sa pagsilay, may nagsabi sa akin na may practice daw ulit kami sa susunod na araw. Haaaay.

Ang bunting-hininga na iyon ay laan para sa isang malungkot na konklusiyon. Mukhang hind na kami magiging magkapartner dahil galing daw sa sakit at magaling na ang kaklase kong kapartner ko talaga. Siguro baka andoon na rin ang kapareha niya. Nakakalungkot. Hmm. Hanggang pangarap na lang siguro ang maging kaibigan, kaclose at higit sa lahat maituring siyang isang mahalagang tao.

—————————————————————————————————–

ang ibang bagay sa itaas ay hindi tunay , siguro’y masasabi kong panaginip ito.. hindi ito nangyayari sa realidad.. bunga lang ito ng isang matinding paghanga..^-^

No Responses Yet to “maisasayaw pa kaya kita?”

Leave a Reply