ang himig ng pagkakaibigan (jsmss-xmas cantata)
Inabot ng katakot-takot na mga magaganda, masasaya at malulungkot na pangyayari ang dumating sa aking buhay bago ko nagawang magsulat muli dito sa blog na ito..naging busy talaga ako dahil hindi lang sa mga walang kupas na pagtambak ng mga gawain sa skul dulot ng mga teacher kundi pati na rin sa mga masasayang alaala na inihatid ng aking mga bagong kaibigan kaya sobrang tagal bago ko nahawakan ang papel at panulat upang makapagpahayag muli sa inyo..
At ang mga pangyayari na ito ay tumatak na sa aking isipan, nagbago sa aking pananaw at pilit na nag-iwan ng isang blangkong papel sa aking isipan..
Ito ang istorya kung saan marami akong natutunan at nalaman..ito ang istorya sa likod ng aming pagkanta:
Nagsimula ang lahat mga june o july , hindi ko na matandaan dahil mas tanda ko ang mga masasayang pangyayari..ito ang simula ng pagpapraktis naming ng mga kantang aming ipinahayag sa mga taong nanuod at sumuporta sa araw na aming pinakahihintay..praktis..praktis..praktis..kasabay ng piano ng aming guro sa pagkanta ay inensayo namin ang mga kantang magpapahayag ng mga bagay-bagay tungkol sa kung ano ba talaga ang tunay na ibig-sabihin ng pasko..
At ito ang mga araw na hindi ko pa nakikilala ang mga taong ngayon ay mahalaga na sa akin..
At dumating ang panahong nagkakilakilala na kami dahil sa pagbubuklod ng tatlong eskwelahan dahil nga sa ito ang pangarap ng isang mataas na tao sa administrasyon na iyon- ang magkaroon ng pagsasama-sama ang tatlong chorale at makapaghatid ng isang napakagandang pag-awit..ito ang pangarap niya..pngarap niya noon pa man..
Ang mga araw ng pagkakasama-sama ay nagsimula sa isang pagkakaibigan..marami akong nakilala..nakabatian, nakausap at higit sa lahat, naging malapit ako sa iba sa kanila kaya medyo nalungkot ako ng dumating na ang araw ng pamamaalam..may mga kaibigang dumating nung una pa lamang, may dumating na matatawag mong pahabol na lang…eh panu kung ung mga pahabol na un eh un ang mas naging mahalaga sa iyo? iyon..iyon na nga ang problema..
“bakit kung kelan sigiradu ka na tska pa mawawala..”
masasarap ang mga araw na nakasama qu sila..doon sa cantata na iyon..at habang kasama ko sila, ito ang mga napagdaan namin na kung saan ito ang aming mga natutunan..
“love is like singing a song that you have sung a thousand times but feeling like it is just the first time you sang it..”
sinabi ito ni mam edith sa amin noong mga unang araw pa lamng ng pgpapraktis namin..para nga naman daw magkaroon ng buhay ang ang aming pagawit.. kaming mga choir ay ganoon talaga..basta nakakanta..minsan lang dumating iyong mga oras na nagiging maganda bunga ng aming performance..at higit sa lahat, kami ay maiingay, na kinaiinisan din ni mam edith..pero, dahil masaya naman lagi, mabait naman si mam edith at ineenjoy naman namin ang bawat practice eh, nagiging ayos naman ang lahat..nagiging ayos naman ang samahan..parang maituturing ko nang pangatlong pamilya ang chorale na IYON..( una pamilya ko talaga, pangalawa ang pamilya ko sa klase..) pero kung tutuusin, di naman talaga dapat ako kasama dito eh..naturuan lang, naensayo at nagbunga lang kung bakit ngayon ay kabilang na ako sa grupo na iyon, in short, di naman ako kumakanta dati masyado at siguro, masasabing parang tumutula ako noon..
pero, swerte pa din..^-^
“that is the real story of mankind: we often lose interest to the things we always do..kaya ayan, kung anu-ano na ang ginagawa natin sa buhay..”
ito naman ang sinabi ni mam noong napansin niya na wala ng buhay ang aming pagkanta..nagsawa na? nabagot? tinamad? inantok? iyan lahat ng naramdaman namin..biruin mo naman, halos magsi-6 months naming pinraktis ang labinlimang kanta na iyonj..pero dahil sa tulong magaling na isip at bibig ni mam sa pagsasabi ng words of wisdom..nabubuhayan kami muli sa tuwing darating si katams..hehe.. by the way, ito na iyong mga panahong nagkasamasama na ang talong schools..dito ko na sila nakilala..kaya naging mas masaya ang mga moments..moments na maituturing treasured na sa mga oras na ito..musta na kaya sila?
di na kc kami nagkikita-kita..how sad..T-T
“i always say to some sad people..you’re broken..”
ito naman ang sinabi ni mam nung sa pagkanta namin ay mga nakasimangut kami..ang mga problema daw kasi, oo mahirap pero as lng as kaya mong hindi ipakita sa mukha mo habang sinasabi mo ang message ng isang kanta, magiging maayos pa din ang [erformance mo..at kapag nabigo ka, magiging malungkot din ang makatatanggap ng mensahe ng awit, magiging malungkot din ang mismong mensahe ng awit..
kaya, always smile..^-^
“singing is not enough, you must feel the song..and the moment you are feeling it, the next thing that you must do is to give it, share it to the listeners, to the audience..that’s the real singing..^-^”
ito ang sinabi ni mam noong pakanta na kami o malapit na kaming kumanta..tama, iyon nga ang tunay na pagkanta..napakasarap lalo ng feeling kapag, kumakanta kang may katuturan, may dahilan at may bungang pupuntahan..bungang ang lahat ay magiging maligaya dahil sa tunay na kahulugan..
at iyon nga..nagdaan ang napakahabang preparasyon..maraming tumulong, maraming gumawa para magwork ang cantata na iyon..mga gurong walang sawang nakigulo para magmakeup sa mga bata, ang dalawa naming pianists, mga gumawa ng stage at mga props, mga tigahawak ng microphones, ang sound director, ung mga members ng faculty, mga theatre arts at choirs ng tatlong school, si mam edith..isama na din natin ang mga langgam na nakit doon, tubig, halaman, ang skwelahan, ang hangin, ang bato, ang bulaklak at kung anu-ano pang mga bagay doon..at siyempre, hindi ito maituturing na isang tagumpay kung hindi natin isasama ang mga taong nanuod ng cantata na iyon..iba ang feeling noong ikalawa at huling araw ng performance dahil umulan noon, blessings ika nga..pero di pa din kami tumigil..ang lahat ay natuwa..
ang lahat ay nalungkot..
“this is the real meaning of the cantata..to spread the real meaning of christmas..isa kayu sa mga swerte na maktutulong para maipahayag un…yes, there is sacrifice, of course..but, natapos na ang ilang months, matatapos na, malapit na ang salvation..^-^
at iyon nga, nagtagumpay ang cantata..nagtagumpay kami..nagtagumpay ang lahat..naging masaya ang lhat..pagkatapos noon ay unti-unti ng nababakasa sa bawat mukha ang kalungkutan..ang kalungkutan na baka pagkatapos noon ay wala na ..wala ng pagkikitang mangyayari..sa mga lower years ay may “i shall return” pa sila ng bonggang-bonga pero kami, na gagraduata na, wla na..siguro, sana mapanuod na lang namin iyon..
bago dumating ang cantata na iyon ay marami na kaming nakantahan pero, hmmm..ibang -iba ito..ibang-iba sa lahat..
isang pamamaalam..pero ito ang huling mga salita na tumatak sa akin ng huling araw ng pagkikita:
“no goodbyes..just see you laters”
at kung di pa ko kuntento ay papalitan qu pa ung later na iyon ng word na “soon”
mas nagkaroon ng ibig sabihin ang kaibigan para sa kin..mas naging mahalaga sila, at mas lumalim pa ang halaga nila..sana dumating ang panahon na magkita-kita pa kami
—————————————————————————————–
to all choir members of jsmss:
maraming salamta sa isang napakagandang experience na ito at salamat at kayo ang nakasama ko..sana magkit pa tayo muli..balita ko may party? reunion? dapat matuloy iyonj..see you later..see you soon..
kryz, polly, rizza, carl, ralph, edrick, ace, mark, raymar, ramitch, frents, lalaine, cheng, luisa, jesus, paul, riel, sean, alfred, brylle, ivan, joe, justine, kaylen, liberty, marvin, matthew, danna
at iyong iba pa..di ko lahat kilala eh..(sabihin niyo lang name niyo para madagdag).. maraming salamat inyong lhat a.. sa uulitin..^-^
Loading...
NGEK!
sarimau’s view: ano ba naman yan lolo..magcocoment na lang, ang tipid..at aba, nanlait pa..pag nakita kita..hehe..
tnx, sana nabasa mu..
bumalik ka ditu..XD
ako ang iyong Lolo - Enero 12, 2009 at 3:21 hapon
weeee nkakaewan ung blog mo Ü
ung feeling habang binabasa ko iba hahaha
parang nagflashback ung utak ko while reading..
thanks.Ü it`s very nice haha geh take care
sarimau’s view: anung nakakaewan? hehe..wow, flashback while reading, pelikula iyon ah..^_^
monmon - Enero 16, 2009 at 10:26 umaga
Astig ahhh… Flashbacks with quotable quotes… Nakakalungkot… Magkikita pa tayu! ANAK!!! ^_^
sarimau’s view: xempre naman..para feel talaga..^_^ magkikita pa tayo tatay..huh? ama ba kita..haha..^_^
Ama mo... - Enero 26, 2009 at 12:31 umaga