ang blag ni sariMAU
…ang blag ng berdeng halimaw…

puno ang langit ng bituin..

Harana…

By Parokya ni Edgar

Uso pa ba ang harana?
Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba ‘tong mukhang gago?
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba

Meron pang dalang mga rosas suot nama’y
Maong na kupas
At nariyan pa ang barkada
Nakaporma naka barong sa awiting daig pa minus one at sing along

Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa’yong tingin akoy nababaliw giliw
At sa awitin kong ito
Sana’y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana para sayo

Hindi ba’t parang isang sine
Isang pelikulang romantiko
Hindi ba’t ikaw ang bidang artista at ako ay iyong leading-man
Sa istoryang nagwawakas sa pagibig na wagas

Uso pa ba ang harana?
Marahil ngayon ay alam mo na
Basta’t para sayo aking hirang kahit na mahal mo pa’y hibang
TUTUPDIN ANG LAHAT LIYAG PAGKAT AKO IYONG LIHAM

Haaay..sa aking kamusmusan, marami akong naging tanong, sa aking sarili, sa ibang tao at sa lahat ng bagay na aking nakikita, sa mga bagay na nasa paligid ko..at isa sa pilit naglalagay ng pilat sa kalinisan ng aking kamusmusan ay ang tinatawag nating harana..alm ko, alam mo, at lam nating lahat na ito ay isang anyo ng panliligaw..isang style na nakagisnan n gating mga lolo, lola at ng ating mga magulang..siyampre, katulad na rin ng mga nararamdaman ng mga bata ngayong sa makabagong henerasyon ay nadama din ng mga kabataan noon ang kilig at saya ng himig ng pag-ibig..ikaw? umibig ka na ba?

Kung oo, marahil lumalaki ka na nga at unti-unti mo nang nauunawaan ang mga bagay-bagay na dapat mong maintindihan..ako din, ilan beses na..ang sarap ng pakiramdam noh? Siguro, masasabi nating hindi pa ito ang tunay na pag-ibig dahil nga sa mga bata pa tayo, kaya kung anu’t-ano man, kailangan nating malaman an gating mga limitasyon..

Kung hindi naman, ay marahil ay hindi mo pa oras, siguro hindi mo lamang napapansin diyan sa tabi-tabi dahil sa sobrang dami ng iniisip mo..mga problema galing sa pagsermon ng mga magulang at tambak na gawain sa skul..bakit naman hindi ka magpakasaya sa buhay mo? Hindi ko naman sinasabi na take life seriously pero masarap mabuhay kaya live your life to the fullest..at isa ang pag-ibig para matikman mo ang tunay na kulay at ligaya na hated ng buhay..pero huwag ka naman masyadong magmadali kung nasa sa iyo na ang eagerness para umibig ngunit wala pa at hindi pa dumadating ang nakatakdang babae o lalaki para sa iyo..

Hmmmm..ako, dahil sa kabilang na ako sa makabagong kabataan, hindi ko na naransan pang manligaw na gamit ang harana..pero sabi ng lolo ko, tito ko, dad ko at kung sinu-sino pang tao sa amin ay pinagpipilitan nila sa aking masarap ang piling nmg nanghaharana, iyong nailalabas mo ang iyong pakiramdam sa pamamagitan ng pagkanta..kaya gamitin ko daw iyon paminsan-minsan..lalo naman sa aking ina o lola, sinasabi nilang masarap ang hinaharana, hindi ko na lamang alam kung magkakaroon pa iyon ng epkto ngayon sa mga babae ngayon..hmmm..

Pero, kapatid, try mu din, kahit huwag mo nang tawaging harana, basta kantahan mo ang mahal mo, isa iyong way para maging maganda ang relasyon..

Tandaan, hindi masama ang magmahal basta alam natin , lalo na sa mga kabataan ngayon, an gating mga limitasyon at mga kailangang gampanan sa ating pamilya lalo na sa ating mga magulang..

Nakakalungkot, dahil sa pagiging mapupusok ng kabataan ngayon ay may nauuwi samga ganitong kahindik-hindik na mga bagay:

Una, nabubuntis….

mahirap ito, kailangang gampanan ng lalaki ang kanyang responsibilida pero nasusunod pa ba iyon? Hindi na, minsan iniiwan, minsan may nagpapakamatay..siguro, swerte na lamang ang mga batang nagkaanak kung makatapos pa sila ng pag-aaral at magampanan ang pagiging mga magulang ng maaga..

Pangalawa..rape…

Ito, hindi dahil sa nagmamahalan kayo ay pwede na ang lahat..mas nauna dapat ito sa nabuntis ngunit may mga pagkakataon kasi na pwersahan ang ginawa ng mga masasamang tao sa mga inaaping mga kababaihan..hanggang ngayon, mayroon pa din nito..nakakalungkot, sa mga taong concern sa lipunan, sana’y huwag ninyong tigilan ang pagtugis sa mga masasama at pagtulong sa kinahasikan ng lagim..

Ikatlo..marami pang iba..

Hindi ko na maiisa-isa dahil sa sobrang komplikado na ng ating lipunan ngayon..mabilis nang gumagapang ang kabulukan nito…haaay..paano na kaya ang lipunan? Kahirapan, gutom, krimen..puro ganito na lamang..

Haaay..siguro, sa tingin kop, ang isang harana lamang ay ayos na dahil isa itosa makakasugpo ng lahat ng kaguluhan..bakit? una, maaari mong ilabas ang iyong nararamdaman sa pagkanta, kesa magalit ka di ba? Isa pa, wag ka nang maging mapusok, konting kanta lang para sa mahal mo ay ayos na iyon..bata ka pa kaya wag ka munang mag-isip o mag-expect ng kung anu-ano..at ang huli ay para sa lahat na, bakit hindi ka kumanta at maging masaya? Basta, masrapa ng kumanta..masayang kumanta habang pinagmamasdan ang mga bituin s alangit , ang sunset o kung ano mang ginawa ng diyos..

At ang huli, ang harabna para sa kain ay:

“ang harana, ay isang bagay na kahit hindi ko naranasan ay masasabi kong maituturing ko siya sa tunay na ibig sabihin ng buhay..tulad ng buhay, masarap pakinggan, masarap kantahin at ang bawat tono, himig at awit nito ay magbibigay ng kontribusyon para sa pinakamagandang musika..sintonado? paos? Malat? Nahihiya? iyan ang mga problema na hatid ng buhay..just take the risks and life will be as happyas possible..

Ano ba ang ginagamit sa paghaharana? Itutuloy..^-^

————————————————————————————————————–

“ang payapang pampang ay para lang sa mga pangahas na sasalunga sa alimpuyo ng mga alon sa panahon ng unos..”

No Responses Yet to “puno ang langit ng bituin..”

Leave a Reply