“Love is like singing a song a thousand times but feeling like it is just the first time you will sing it.”
Habang sinusundan ko ang mga yapak ng aking mga paa sa Robinson’s Place Manila sa may Padre Faura st. malapit sa UP Manila upang maghanap ng libro, naisip ko na maghanap ng mga bagay na kakaiba sa mga taong makikita ko doon. Siyempre, araw araw, marami kang makikitang iba’t-ibang taong sumasadya doon para mag-shopping, manood ng sine, kumain sa iba’t ibang kainan at ang least na pwedeng gawin ay ang tumambay doon, pero, it is just, na-challenge akong maghanap ng something to think about and to ponder on sa mga tao na magbibigay ng ibang kahalagahan ng lugar na iyon.
Dumaan ako sa padre faura entrance na kahit may metal detector sa pinto at tumunog ng ako’y pumasok ay parang wala lang, design lang ng mall para masabing maganda ang level of security nila doon. kinapkapan ako ng guard na parang hinipuan lang sa likod.
Siyempre, medyo malaki ang lugar na iyon pero definite naman iyong pupuntahan ko kaya walang problema sa akin, dumeretso lang hanggang sa makarating sa escalator, malapit sa Jollibee.
Dumeretso ulit hanggang masilayan ang mas maraming tao sa food court at marinig na naman ang pamilyar na tunog sa malaking pabilog na telebisyon sa gitna noon, malapit sa may fountain na hindi pinapagana. Napagtanto ko naman na siguro, pag mas maraming tao lang binubuksan ang fountain na iyon.
Dadaan sana ako sa tom’s world ng narating ko ang powerbooks at nakabili ng librong kailangang bilin pero may umagaw ng pansin ng tumingin sa paligid habang nagpatuloy ako sa paglalakad.
May dalawang taong nag-uusap. Hindi ko man alam kung sino sila, kung ano ang pinag-uusapan nila ngunit parang may iba lang sa kanilang mga tingin at hindi ko maintindihan ang mga ngiti sa kanilang mga labi.
Halos dalawa o tatlong oras silang nakatayo doon, nagtaka ko, bakit sa tagal noon ay hindi pa rin sila nangangalay. Nandoon pa rin sila, nag-uusap. Nandoon pa rin sila, nakatingin lang lagi sa kawalan.
Sabihin na rin nating sa puntong pinanood ko sila ay matatawag na akong paparazzi o stalker o spy o kahit ano pang nakikialam sa buhay ng iba. Siguro, ang mga ngiting iyon ang nagudyok sa akin at mga tingin na iyon ang nagpatigil sa aking mga paa na magpatuloy sa tinatahak nitong landas.
Nagsimula akong mag-isip kung sino nga ba ang dalawang taong iyon.
Ang isa’y napagkamalan ko pang babae sa haba ng buhok niya pero kung titingnan naman ay kahit mga bading ay hahabulin ito sa itsura niya. Ang isa nama’y isang babaeng maganda naman at kahit sino ay mapapaibig basta makasundo lang niya at maging kaibigan ng matagal-tagal.
Ilang sandali ay parang paalis na sila at parang pupunta sa direksiyon kung nasaan ako. Bago umalis sa kinalalagyan ay nagulat akong niyakap niya siya. At di ko na rin naisip kung ano ba talaga mayroon sa dalawang taong iyon.
Naghawakan ng kamay sandali at pumunta na sa bookstore dahil nalaman kong nandoon ang mga kaibigan nila. Hindi ko alam, parang may kakaiba.
Tinuloy ko na ang araw ko sa mall na iyon at nagpakasaya sa natitirang oras bago ko sunduin ng nanay at tatay ko sa labas gamit ang ssakyan namin.
Paglabas ko, nakakita naman ako ng maraming foreigner na may mga kasamang mag pinay, magkahawak kamay.
Humangin sandali at napatingin ako sa kalangitan, ang init ng araw ay pumasok sa aking katawan. At iyon, biglang nagdilim, pinayungan pala ko ng nanay ko at nandoon na rin si itay, nag-iintay sa sasakyan.
Sumakay na ako at umandar na ang sasakyan naming pauwi sa bahay namin.
Nakita ko na naman ang dalawang iyon, pauwi na din pala sila.
Nag-aantay siguro ng masasakyan ang dalawang iyon at bago umalis ay naghawak kamay ulit at nagpalitan ng mg atingin at ngiti na sa tingin ko’y sila lang ang makaiintindi. Makararamdam ng bawat pagkilos nilang iyon.
Sabay tanong ko sa aking nanay,
“Mommy, ano po bang mayroon sa dalawng tao, sa isang lalaki at isang babae tapos magkahawak ng kamay, tapos nagngingitian, maghapong magkausap at parang ayaw ng maghiwalay? “
“Saan mo naman natutunan iyan anak.”, biglang singit ni itay.
“paglaki mo, malalaman mo kung ano ba ang ibig-sabihin noon.. mararamdaman mo kung gaano kasarap maradaman ang bagay na iyon at mauunawaan mo na ikaw din, ikaw din ay isang taong magmamahal at maghahanap ng isa pang taong makakasama mo sa habang buhay. Parang kami ng itay mo….”
“Aaaaaaaaah…ganoon..” nasabi ko na lang sa kanila. Hindi ko pa rin maintindihan. Ano kaya. Magulo pa din. Kahit 10 years old pa lang ako, hiniling ko kay Bro na sana maintindihan ko na iyon para alam ko na kung kailan mangyayari ang bagay na iyon sa akin.
Para kahit sa huling taon ko na mabubuhay ako, habang nalalagas ang mga buhok na ito, natuto na kong magmahal.

